Kabanata 15

172 29 0
                                    

Kabanata 15

Katatapos lang na ming kumain. Nasa kanilang cabin na sila. Naghahakot na sila ng gamit at dadalhin nila sa infinity pool. Samantalang ako narito ulit sa batuhan. Naka upo at muling pinagmamasadan ang buwan at dagat.

Nasa medyo tago akong parte ng batuhan. Kaya hindi ako agad mahahanap ng kung sino man.

Ganon na lang ako naging ka alerto ng mayroon akong nakitang pigura ng tao na naka upo sa isang na parte ng batuhan. Hindi ko siya maaninaw ng maayos dahil madilim at nasa medyo tago siyang parte.

Wala pang ilang saglit ng dahan dahan siyang tumayo na puno ng pag-iingat. Gagayahin ko na sana siya, kaso bigla siyang lumingon-lingon sa paligid. Nakikita ko kase ang pag-galaw ng ulo niya, sa tulong ng sinag ng buwan. At ang mas nakakainis pa , tanging anino lang niya ang nakikita ko.

Noong tumigil sa kaka lingon ay naglakad na siya kung saan. Natatabunan na ng mlalaking bato ang pigura niya. Hindi na rin ako nakatiis at lumabas na ako sa aking tinataguan. Pag-apak ko pa lamang ng aking paa sa buhangin ay mayroong biglang humila sa braso ko.

Muntikan na akong mapatalon. Kumalma lamang ako ng makita kung sino iyon.

"Muntikan na akong atekin sayo."

"Sorry naman, papatulong lang sana ako mag-buhat." Sinabi ni Cheska.

"Oo, pero sandali lang." Dahil may susundan pa ako.

"Pero ngayon ko na kailangan!" Humigpit ang hawak niya sa braso ko, bumabaon na din ang mga kuko niya.

"Ilang minuto lang naman Cheska. May susundan lamang ako."

"Sabi ko tulungan mo ako! Ngayon na!"

"Ches---"

"Kung gusto mong kausapin pa kita ulit, sasama ka sa akin ngayon." Puno ng awtoridd niyang wika.

"Pe--" pinutol na naman niya ulit yung sasabihin ko.

"I said now!" Bumuntong hininga ako at sa huli tumango.

Bibilisan ko na lamang ang pagtulong ko, para maabutan ko pa kung sino man ang taong iyon.

Sinundan ko nga si Cheska sa cabin niya at nagpatulong na buhatin ang tatlo niyang unan at kumot. Kunot noo ko pa nga siyang pinagmamasda. Maari naman siyang magpatulong sa iba, pero bakit sakin pa?

"May sunog! Sunog!"

Paakyat na ako sa hagdan ng makarinig ako ng sigaw. Kakaunti na lamang ang nasa labas, pero bakit magkakaroon pa ng sunog?

Dali-dali akong tumakbo pataas at humahagos na sinalubog sa labas si Megan.

"Saan?"

"Sa inyugan!" humihingal niyang sinabi.

Tinignan ko naman ang inyugan at mayroon nga akong nakikitang usok na mula sa itaas nito. Maaring may sunog nga.

"Sabihin mo sa kanila yan ngayon na." Tumango naman siya at dahan dahang tumakbo papunta sa cabin nila Lein.

Kung kanino man ang aninong nakita ko kanina. Maaring siya ang may kagagawan ng sunog.

Tinakbo ko ng mag-isa ang inyugan at maapal na ang usok . Tinakpan ko ang aking ilong, para hindi ko malasap ang usok. Sumasakit na rin ang mata ko, dahil sa usok. Umuubo-ubo na din ako.

Shit...

Hindi sa kalayuan natatanw ko na kung ano ang nasusunog. Ganon nalamng ang pagtakip sa aking bibig, dahil sa nakita. Isang taong nilalapnos ng apoy, naka kadena at may tape na nakapalibot. Tubig. Kailangan ng tubig.

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon