Kabanata 21

191 28 0
                                    

Kabanata 21

Nilakasan ko na ang loob ko at pinilit na tinignan ang taong nasa itaas. Pero wala na akong nakita.

Yung boses parang pamilyar sa akin iyon. Baka naman nanaginip lang ako? Pa unti unti namang nanlabo ang aking paningin hanggang sa naging dilim na ito.

Isang malakas na sampal ang gumising sa akin. Bumungad sa aking mukha ang nakangising si Neivi.

Isang panaginip lamang pala iyon.

Pero bakit?

Bakit? Nakagapos parin ako at may busal ang aking bibig?

"Nagising ba kita? Aking kapatid? Ay, ampon ka nga lang pala! Hahahahaha" Isang mala demonyong halakhak ang pinakawalan ni Neivi.

Tinanggal niya ang busal sa aking bibig at nilapit niya ang kaniyang mukha sa akin.

"Nanaginip kaba? Wag kang mag-aalala. Lahat ng nasa panaginip mo ay totoo." Sabay ngisi niya sa akin.

Sa paghalakhak pa lamang niya ay para na siyang isang demonyo.

Pinilit kong tanggalin ang naka gapos sa akin. Pero nabigo ako, katulad ng nasa aking panaginip.

Tinanggal niya ang pagkakatali ng nasa aking bibig. Bago pa man ako makaiwas ay dinuruan na niya ang mukha ko.

"Hayop ka Neivi! Hindi ko hahayaang makatakas ka!" Gigil at puno ng galit kong isinigaw lahat ng iyon.

"Paano? Eh nakatali ka nga diyan?" May halong ngising demonyo na naman ang naka paskil sa kaniyang mukha.

"Hmmmp!" Napalingon naman ako sa ingay na iyon.

Si Megan na nagwawala at si Chelsea na puro dugo ang ulo. At si Ace na masama ang tingin kay Vien. Nakatali din sila sa isang upuan katulad ko.

"Neivi, pakawalan mo na sila. Kung ayaw mong madagdagan pa ang kaso na ipapataw ng korte sa iyo." Makahulugan kong sinabi.

"Neivi? Correction it's Vien not Neivi."

My conclusions are right.

"Ikaw ang anak nila papa at mama?" Nagbabadya ng tumulo ang aking mga luha. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala.

"Oo, ang tunay na anak nila. Bakit? Hindi mo alam?" Umiling naman ako at sabay non ang paghalakhak niya.

"I pity you. Pero mas nakakaawa sila mama at papa mo. Oh, hindi ka tunay na anak ni papa. Dahil ang tunay mong ama ay si Chief Jason mo." Umiling ulit ako.

"Hindi yan totoo!" Sigaw ko.

"Anong hindi totoo? Nagtaksil si mama! At ikaw ang bunga ng kataksilan nila! Dahilan yon kung bakit nandito ka ngayon! Kinupkop at inalagaan ka niya! Imbis na ako, ako na anak niya!" Sabay turo niya sa kaniyanh sarili.

Paano? Bakit?

Sumisikip ng ang dibdib ko sa dami ng katotohanang nahahalungkat ngayon. Hindi pa ako nakakabawi sa sinabi niya. Nakita ko na lang na mayroon siyang kinuhang matalim na bagay mula sa kaniyang likuran.

Kutsilyo.

Napasinghap naman ako at mas lalo akong nagwala.

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon