Kabanata 14

167 31 0
                                    

Kabanata 14

Isang kalabit mula sa aking pisngi ang gumising sa akin kinabukasan. Isang naka ngiting Megan ang bumulaga sa akin.

Napabangon naman ako at nag unat-unat pa. Napasarap ata ang tulog ko.

"May lumabas ba kagabi?" tanong ko.

"Wala naman," tumango ako at tumayo sa pagkakahiga.

"Luto tayo ng umagahan? Si Neivi nalang kase ang laging nagluluto." Ka agad naman akong sumangayon sa kaniya.

Pagkarating sa kusina ay ka agad kaming kumilos. Si Megan ay naghiwa ng bawang at sibuyas. Samantalang ako naman ay hinahanda ang kawali, mantika, magic sarap ,vetsin at corn beef.

Nang natapos siya sa paghihiwa ay binigay niya sa akin ang sibuyas. Naglagay muna ako ng kaunting mantika sa kawali at sinimulang ilagay ang sibuyas. Pagkatapos naman ay ang corn beef.

Ilang minuto lamang ay natapos na ako sa pag-luluto at sinunod ko ang buong itlog. Nagpirito na rin kami ng ham, bacon at hotdog. Nagtimpla naman si Megan ng juice at kape. Kung sakali man na gusto nila.

Nilinis at inayos namin lahat ng kagamitang ginamit namin, bago nagtungo sa cabin ni Lein. Dala-dala na namin ang aming mga niluto at hinanda. Pagdating namin doon ay gising na ang iba at nag-unat unat pa.

Dali-dali silang lumapit sa amin at tinulungan kami sa pagbitbit. Ang unang lumapit ay si Jonathan at Ace na sinundan naman ni Jobert at Neivi. Kalaunan lamang ay nagising na ang iba at nagsilapitan na upang kumain.

Nagpasalamat naman sila sa akin at tanging isang tipid na ngiti ang aking tugon. Hanggat maari wala dapat akong pagkatiwalaan kundi si Megan at Neivi. Napagdesisyunan ko na ding sumabay sa kanila sa pag-kain. Naging maayos naman ang pag-kain namin.

Mabuti nalang din at hindi nila dinistasnsiya ang kanilang sarili sa amin ni Megan.
Napag-usapan din namin na dito nakng ulit sila matulog mamaya. Gusto rin daw nilang maligo sa dagat mamayang tanghali. Sa gabi naman daw ay dito sila maligo.

Sumapit ang tanghali at nasunod nga ang gusto nila. Narito na kami ngayon sa dagat, at nakatulong pa sa balat namin ang makulimlim na kalangitan. Nakisaya na din ako sa kanila rito sa dagat.

Masarap at malamig sa balat ang hatid ng tubig ng dagat sa aming mga balat.

Pagsapit naman ng gabi ay narito kami sa kusina at kumakain ng hapunan bago mag-tungo sa infinity pool.

Killer's P.O.V.

Gustong-gusto ko ng pumatay sa totoo lang. Ngunit hindi pa maari, dahil mayroong naka masid sa bawat kilos namin.

Narito ako at kumakain sa kusina, pilit na pinalusog ang pagkain. Kaso wala itong epekto. Pagkatapos kumain ay agad na akong lumabas ng kusina, upang lumanghap ng sariwang hangin.

Sa batuhan ako nagtungo, dahil mas maganda ang tanawin dito kesa roon.

"Samahan mo nga ako!" narinig kong sigaw, ka agad akong napa upo at nagtago sa malalaking bato.

Napangisi ako sa aking nakikita, ang dalawang kambal, ay nagtutungo patungong inyugan.

Mukhang sa akin ang unang halak-hak ngayong araw ah?

Nagtatago parin ako sa batuhan, hanggang sa nakarating sila sa inyugan. Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago unti unting tumayo upang sundan sila.

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon