Simula

638 85 5
                                    

Simula

Madilim, mabaho at higit sa lahat amoy dugo. Nasaan ako? Anong ginagawa ko dito?

Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Nasa isang upuan ako, nakatali ang mga paa at kamay. Mayroon ding busal ang aking bibig.

Namamawis na ang katawan ko. Masakit rin ang aking noo na tila ito'y pinukpok ng isang matigas na bagay.

Malagkit ang aking pakiramdam na dulot ng dugo at pawis.

Nilibot ko ang aking paningin, purong itim lang talaga ang aking nakikita.

Ito ba ang lungga ng killer? Ang matagal ko ng hinahanap?

Muling umalingasaw ang amoy ng dugo.Napakalansa at ang baho nito.

Nagambala ang tahimik na kwarto ng mayroon akong marinig na mga sigaw.

Sigaw...

Mga sigaw na humihingi ng tulong, sigaw na nagmamakaawa, sigaw na tila'y sila ay naghihirap.

Mas lalo kong pinakinggan ang mga sigaw na ito. Hindi sa kwartong ito nagmumula ang sigaw. Maaring sa labas o sa kabilang kwarto.

Kailangan kong umalis dito.Walang magagawa ang pagka tunganga ko.

Kahit naka upo, kinapa kapa ko ang aking kamay sa likuran. Hinawakan ko ito, at isang uri ng lubid.

Pinilit kong kalasin ito.Pero ayaw makipag cooperate ng aking mga kamay. Nanghihina at wala na itong mga lakas.

Pero hindi parin ako susuko. Pinilit ko parin ito ng pinilit. Pinagalaw ko ito ng pinagalaw. Nagbabakasakaling lumuwag ang pag kaka tali nito.

Pero sa huli, nabigo ako.

Hanggang dito nalang ba ang kaya ko?

Nagbabadya ng tumulo ang aking mga luha. Pinilit kong magsalita kahit may busal ang aking bibig, paos at basag ito.

Somebody please, help me.

Ang kaninang nagbabadyang luha, ngayon ay biglaang nagsihulog sa aking pisngi. Pagod na ako, pati ang aking katawan ay tinaksilan ako. Ayaw nitong makipag tulungan sa akin, upang ako'y makatakas.

Kung panaginip man ito, sana gumusing na ako.

Sino ba ang maaring makakatulong sa akin? Kung hindi ang aking sarili. Pinikit ko ang aking mga mata. Nagbabakasakaling pag mulat ng aking mga mata ay nasa ibang lugar na ako.

Umaasang isang panaginip lamang ang lahat ng ito.

"Hindi ka maaring mamatay. Kailangan mo pang iligtas ang mga taong nandito. Naniniwala ako sa iyo."

Napamulagat ako. Luminga linga ako sa paligid. Pero wala man lang akong nakitang kahit ano.

Kanino boses iyon?

Mayroon akong narinig na kaluskos mula sa itaas. Napatingala ako sa itaas.

Mayroon akong nakitang anino. Anino. Napatigil ako sa ka ka kilos. Nag si taasan ang mga balahibo ko. Namutawi ang takot sa aking buong sistema.

Maaring siya ang kikitil sa aking buhay?

O baka naman,

Siya ang anghel na tutulong sa akin?

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon