Kabanata 12

182 31 0
                                    


Vienna's P.O.V.

Ilang oras na din ang lumipas. Ngunit hindi parin namin nahahanap si Cloud at Joshua. Kung sila ay simpleng paghahanap lamang iyon. Pero para sa akin, hindi.

Responsibilidad ko sila. Lalo na't andito ako upang tuklasin kung ano nga ba narito sa isla. At nakasalalay sa akin ang buhay nilang lahat.

Isang malamig ng simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. Nandito ako ngayon sa batuhan, kung saan mayroon silang natagpuang dugo. Pero kaka unti na lamang ang natira. Naabutan na kase ito ng tubig ng dagat, kaya nalinis na din ang ibang bahagi.

Sino nga ba talaga ang pumapatay?

At

Bakit niya kailangang kumitil ng mga tao?

Isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan at tinanaw ang dagat. Napaka payapa nito at ang ilaw na mula sa buwan ang aking natatanaw sa dagat. Ang tunog ng tubig na mula din sa dagat, ay nagbibigay kalma sa kaing buong sistema kahit papano.

Nang bigla akong may narinig na kaluskos sa hindi kalayuan. Napatigil ako sa pag-tanaw sa dagat at unti unting naglakad patungo sa kaluskos.

Habang naglalakad ng tahimik ay doon ko lamang namalayan na dinala ako ng aking mga paa sa inyugan. Ang mga kaluskos, ay galing sa inyugan?

Nang una ay nag dalawang isip pa ako, kung tutuloy ba o hindi. Dahil ang aking bukod tanging ilaw ay galing sa buwan.

Huli na ng namalayan ko na naglalakad na pala ako patungo roon. Sumasayaw ang bawat dahon na nagmumula sa puno ng mga inyog. At tanging hininga ko lamang ang aking naririnig sa paligid.

Sa kalagitnaan ng pag-lalakad ay napatigil ako. Dahil pakiramdam ko may nakasunod at nakatingin sa akin sa hindi kalayuan.

Nag kunyari akong walang naramdaman o ano. Bagkus nagpatuloy ako sa pag-lalakad. Nang mayroon akong natanaw na anino sa aking likuran.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong ni Chelsea.

"Mayroon lamang akong narinig na kaluskos."

"Hindi ka dapat nagpupunta sa lugar na katulad nito."

"Bakit?" puno ng pagtataka kong tanong.

"Maaring ikaw na ang susunod na ililibing?" mayroon ng halong ngisi sa mukha nito.

"Hindi ako takot... Mamatay Chelsea." Makahulugan ko ding sagot.

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko naman pabalik.

"Mayroon lamang akong hinahanap..."

"Anong hinahanap mo?"

"Bangkay?" sabay tawa nito. Dahilan kung bakit umalingaw ngaw iyon sa buong paligid.

"Nababaliw kana." sabay talikod ko sa kaniya at muling nag-lakad.

"Hinahanap ka na ni Megan. Bukas mo na lamang ipagpatuloy ang paghahanap sa kaluskos na iyon." Naging seryoso naman na ang boses nito. Dahilan kung bakit napahinto ako sa pag-lalakad.

"Sigeh, susunod na ako." Baling ko sa kaniya at muling pinagmasdan ang inyugan, bago naglakad pabalik sa dalampasigan.

Dumiretso naman na ako agad sa aming cabin at nadatnan ko sa kabilang kama si Megan na mahimbing na natutulog.

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon