Kabanata 7

241 66 0
                                    

Kabanata 7

Pagkatapos kong kumain ay napagdesisyunan kong libutin ang isla ng mag-isa. At katatapos ko lang libutin ito at mayroong mga balbed wire ang mga nakaharang sa ibat iba't ibang bahagi ng isla. Kumabaga nahahati ito at mayroon mga harang. Mayroon ding nakapaskil na " No Trespassing". Hindi ko rin naman kayang sirain o akyatin ang bakod. Paniguradong wala pa ako sa gitna ay sugatan na ako dahil sa mga tinik nito. At puro inyugan lamang ang aking nakikita mula sa aking kinatatayuan.

Kung ako naman ang tatanungin ay hindi kayang maka akayat ng kung sino mang tao ang nasa kabilang dako ng isla. Napaka imposibleng maakyat iyon.

Ang mayroong lang dito sa isla ay inyugan, walong cabin, stock room at kusina. Pero napaka imposible naman na ganon lang ang mayroon dito? Paniguradong mayroon pa kaming hindi nakikita rito sa isla. Wala din akong nakitang lugar na pwedeng lugar kung saan tinatago ang mga taong nawawala.

Pero isa lamang ang sigurado ako ngayon.

Isa sa mga kasama namin ang pumatay kay Angelyn...

Kinahapunan ay napagpasyahan naming mag-bonfire sa tapat ng dagat. Mabuti nalang din at kompleto ang laman ng cabin namin. Mayroong mga iba't ibang klase ng damit na babagay sa kahit ano mang okasyon.

"Ang sexy niyo naman!" Napadako ang akin paningin sa tinitignan nila.

Ang mga babae lang naman pala ay naka suot ng bikini. Ang iba sa kanila ay naka two piece at one piece. Lahat ng suot nila ay bagay sa kanila.

"Ikaw? Bat di ka pangbibihis?" Biglang sumulpot sa gilid ko si Neivi. Inilingan ko naman siya at pinakita ang aking ini-ihaw. Pero hindi niya pinansin ang aking dahilan at patuloy pa din akong inaya.

Hanggang sa napagod siyang ayain ako at nag-simula ng makihalubilo sa kanila. Samantalang ako naiwang mag-isa at nagiihaw ng aming makakain. Mayroong sandamak mak na pagkain ang nasa refrigerator, kaya napagpasyahan naming mag ihaw. At mayroon din kaming natagpuan ihawan sa stockroom at uling, kaya ito ang ginagamit ko sa pag-iihaw ngayon. Ito rin naman ang pinili kong gawin kaysa sa maligo. Nandito ako para alamin kung ano ang misteryo sa isla hindi para mag-enjoy.

Habang nagiihaw ay pasulyap sulyap ako sa kanila. Lahat nagtatawan at naghihigkan. Maka ilang beses narin nila akong inaya mula kanina. Pero purong iling at ayaw lamang ang aking naging tugon.

Nang sumapit na ang gabi ay kumuha sila ng mga kahoy sa may inyugan. Dahil nakita lang daw nila itong nakatambak doon. Nang naging sapat na ang kahoy ay sinindihan na nila iyon gamit ang posporo.

Mabuti nalang din at tapos na ako sa aking ginagawa. Dahil pagkatapos palang nilang naligo ay napagpasyahan na nilang kumain. Dulot na rin ng sobrang pagod ay agad nilang naubos ang aking inihaw na barbecue,isaw,atay, at manok na inihaw. Sarap na sarap at busog na busog sila.

"Guys! Tara kanta tayo!" Hindi sa kalayuan ay lumabas si Ace na mayroong dalang gitara. Nagsitanguan naman kaming lahat at pinaikutan namin ang bonfire.

"Ang saya dito sa isla. Kung hindi lang sana namatay si Angelyn." Malungkot na wika ni Megan.

Nagsitahimikan naman kaming lahat. Walang ibig mag salita o kung ano man. At mababakas sa kanilang mga mukha ang takot at panlulumo. Bilib din ako sa kanilang lahat dahil kaylan lang kami nagkakilala ay umaakto na silang lahat na close.

"Ano ba naman yan!" reklamo ni Jonathan, yung kakambal ni Jobert. "

"Kumanta na lang tayo para kay Angelyn. Bilang pamamaalam natin." Suggestion naman ni Joshua. Sumangayon naman kaming lahat. Ang akala ko talaga ay mapanisti ito pero sa una lang pala.

"Anong kanta?" tanong ni Ace na may hawak na gitara.

"Someone you Love" sagot naman ni Lein.

"Ha?" tanong naman ni Cloud.

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon