Kabanata 9

235 64 2
                                    

Kabanata 9

Third Person P.O.V.

Ang bangkay  ni Jacob ay tinanggal nila sa puno ng inyog at inilibing sa tabi ni Angelyn. Pinagluksaan nilang lahat ang bangkay nito.

Pagkatapos mawalan ng lakas at malay si Vienna ay dinala nila ito sa bakenteng cabin. Ang cabin dati nila Lein at Angelyn. Kinulong at kinandado nila ang cabin. Nang sa ganon ay hindi makatakas ang dalaga.

Pinag-hihinalaan nila na si Vienna ang pumapatay. Dahil simula palang ng pagkikita nila ay nararamdaman na nilang may kakaiba kay Vienna. Kung minsan ay tahimik na nagmamasid sa kanila ang dalaga at kung minsan naman ay nakakahlubilo ito. Sa pinakitang ugaling ito ni Vienna ay pinaghinalaan nila ito.

Isang gabi ng mayroong nakitang injection si Jonathan sa kitchen. Nang dahil na din sa pag-hihinala nila ay bumuo sila ng plano.

Noong nakita ng mag-kakapatid si Vienna sa inyugan. Mas lalo nilang napatunayan ito, dahil nakita nilang may bahid ng dugo ang mga kamay nito. At iyon ang naging basehan nila na ang dalaga ang pumapatay.

Sa kabilang dako naman ay makikita sa bawat mukha nila ang kapayapaan at kaginhawaan.

"Mabuti naman at nahuli na natin ang killer." Nangigil na saad ni Cloud sa kaniyang mga kasama.

"Oo nga," maarteng sabi ni Chelka.

"Pero sa tingin niyo, si Vienna talaga iyon?" Makahulugang saad ni Neivi. Dahilan kung bakit magsitinginan ang lahat sa kaniya.

"Bakit? Sino ba sa tingin mo?" Nagtatakang tanong ni Chelsea.

"Malay natin hindi pala siya." Makahulugang wika ulit ni Neivi sa mga kasamahan niya. Ngunit nanatili ang tingin niya kay Chelsea na ang sama sama ng tingin sa kaniya.

"Whatever," sabay irap at umalis si Chelsea.

"Susundan ko lang si Chelsea," paalam ni Cheska.

Sa pag-paalam ni Cheska ay naghiwa hiwalay na din sila. Ang kambal na Jonathan at Jobert ay nagtungo sa batuhan ng isla. Samantalang si Neivi ay pinapatahan ang umiiyak na si Megan. Dahil naniniwala daw si Megan na hindi iyon magagawa ni Vienna. Si Lein at Chelka naman ay nag ba bake  ng cake sa kusina. Samantalang si Cloud ay kasama ang boyfriend niyang si Joshua. At si Ace naman ay naliligong mag-isa sa beach.

Dumaan ang dalawang araw at wala ng nalalagas ni isa sa kanila. Masaya at payapa silang lahat sa bawat araw na dumating. Dahil mas lubusan silang niniwala na si Vienna talaga ang pumatay. Hindi nila pinakain o dinalaw si Vienna sa loob ng dalawang araw. Hindi rin naman makalabas ang dalaga dahil kinandado iyon. Nanghihina at nagugutom na din ito.

"Babe swimming tayo." Malambing na sinabi ni Cloud. Tumango naman ang jowa niyang si Joshua at sinunod ang gusto nito.

Habang lumalangoy ay naisipang mag tanong ni Cloud kay Joshua. Dahil nakita ni Cloud kagabi na umalis ng kanilang cabin si Joshua at nagtungo sa cabin nila Chelka.

"Babe, umalis kaba kagabi?" Nagtatakang tanong ni Cloud.

"Hindi man, bakit?" Naglalambing na tanong ni Joshua.

Pero alam ni Cloud na nagsisinungaling lamang ito at hinayaan niya nalang. Dahil mahal na mahal nga niya ito.

Dumating ang gabi at mag-kasamang nakatanaw sa dagat si Chelsea at Cloud.
Nang mag-simulang magtanong si Cloud.

"Pumunta pa don si Cloud sa cabin niyo kagabi?" Nagtatakng tanong ni Cloud. Tumango naman ang dalaga. Galit ang namuo sa kaniyang sistema.

"Anong ginawa don ni Joshua?"

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon