Kabanata 8

218 66 4
                                    

Kabanata 8

Napakasarap matulog ngayong araw. Pa unti unti naman akong bumangon at nag-inat ina. Lumingon ako sa kabilang gilid at nakita ko si Megan na natutulog pa ng mahimbing.

Tumayo naman ako sa aking higaan at pinagpatuloy ang pag-uunat. Pagkatapos na,an ay kinuha ko na ang aking tuwalya upang maligo. Katulad ng sinabi ko, lahat ng gamit dito ay kumpleto.

Nang natapos na akong maligo at mag-bihis ng pang-jogging ay lumabas na ako upang mag-jogging. Dahil maaga pa naman, at kailangan ko ng ituloy ang pag-inimbestiga habang wala pang tao.

Dahan dahan kong binukas ang pinto ng aming cabin at nag-simulang tumakbo papuntang inyugan. Hindi ko alam kung bakit doon ako dinala ng aking mga paa.
Habang nag-johogging ay pinag-mamasdan ko ang paligid. Bukang liwayway pa lamang, sabagay maaga pa naman.

Napaka payapa nitong isla, ang simoy ng hangin at pag-hampas ng mga alon mula sa dagat ay nakakapag relax ng aking sistema.

Wala paman ilang sandali ng makapasok na ako sa inyugan at pinagpatuloy ang pag-jogging. Nang marating ko na ang mga balbed wire na nakaharang ay tumigil na ako s pag-takbo at pinagmasdan ito. Wala akong napansin na nag-baho o nagalaw man lang.

Akmang babalik na ako sa aming cabin ng mayroon akong maamoy na masangsang.
Naalala ko nga pala dito natagpuan ang bangkay ni Angelyn. Ang pagkakaalam ko ay nilibing na nila ito. Pero bakit umalingasaw pa din ang amoy nito? Nakakapagtaka naman.

Namalayan ko na lamang na nag-lalakad na ako sa direksyon kung saan umalingasaw ang amoy. Tanging tunog  ng aking yapak at huni ng mga ibon ang aking naririnig sa paligid. Sa mas lalong paglapit ko ay mas lalong lumalakas ang amoy. Dahil na din sa hindi ko na kinaya ay tinakpan ko na ang aking ilong at nag-patuloy sa pag-lalakad.

Sa lamang kalayuan sa aking pwesto ay mayroon na akong nakitang nakapako sa inyog at ito'y duguan.

Kilabot at galit ang naumuno sa akin. Mas lalo ko pang binilisan ang pag-lalakad at nilapitan ang puno kung saan mayroong naka pakong tao.

Shit...

Napamura ako dahil nakilala ko agad kung sino ito at pamilyar ang damit nitong suot.

Jacob...

Mas lalong namuo ang galit sa aking  dibdib ng makita ko ang tiyan nito.Napa luhod ako sa harap nito.

"I failed,again...." Sinabi ko ng naka yuko at nag-simulang maglandasan ang aking mga luha.

Kasalanan ko ang lahat ng ito...

Pinangako ko sa sarili ko na ililigtas ko ang bawat isa sa kanila. Pinangako ko rin na hahanapin ko ang mga taong nawawala. Pero ni isa sa kanila wala pa akong nahahanap. Maski ebidensiya wala pa. Napasabunot ako sa aking buhok at mas lalong sinisi ang sarili.

Nang ako'y nahimasmasan na, tumayo ako't pinunasan ang aking mga luha gamit ang aking palad.

Dahan dahan akong naglakad patungo sa direksyon ni Jacob. Nang nakarating na ako,  hinawakan ko ang mga kamay nitong naka pako. Dahilan kung bakit magkaroon ng dugo ang aking palad.

Pako at martilyo ang ginamit sa kaniya. Dahil kung bato man ito, hindi magiging ganito ang kalala. Kung hindi ko lamang nakilala ang damit nito ay hindi ko malalaman kung sino ito.

Muli na namang nangiligid ang luha sa aking pisngi, kaya pinunasan ko ito gamit ang aking kamay.

"Oh my God!" Narinig kong sigaw sa aking likuran at napalingon ako. Nakita ko ang tatlong kambal na nakapag-jogging na damit at pawisan.

Akmang lalapit na ako sa kanila ng sabay sabay silang umatras. Puno ng takot at panghuhusga ang kanilang mga mata.

"Tulong!tulong!" Sigaw ni Chelka. Dahilan kung bakit nagtataka ko silang tinignan.

"Somebody help!" Sigaw naman ni Chelsea, pagkatapos naman ay si Cheska naman ang sumigaw.

"Tulungan niyo kami!"

Wala pa mang ilang sandali ng dumating ang mga kasama namin na humahagos.

"Anong nangyari?" Tanong ni Jonathan.

Hindi kumibo ang tatlo at nakatulala lang na nakatingin sa akin. Dahil walang nakuhang sagot si Jonathan ay tumingin siya sa akin. Katulad ng kambal ay nakatingin siya sa akin ng puno ng pag-huhusga. Gumaya na din ang aming mga kasama at unti unting umatras.

"Jobert, alam mo na ang gagawin mo." Sabi ni Neivi na puro ang awa ang makikita sa kaniyang mata. Nagtataka ko naman siyang tinignan.

"Neivi bakit?" Dahil mabilis na kumilos si Jobert palapit sa akin na may dalang injection.

"Ha? Anong nangyayari?" Tanong ko dahil biglang kumalabog ang dibdib ko dahil sa kaba.

"I'm sorry," wika ni Neivi.

"Megan, anong nangyayari?" Umiling siya at umiwas ng tingin.

"Jobert gawin mo na." Seryosong wika ni Cloud.

Dahilan kung bakit lumapit sa pwesto ko si Jobert at hinawakan ang braso ko ng marahas. Nanlaban ako sa kaniya, pero lumapit din si Jonathan at hinawakan ang isa kong braso. Hindi na ako nakalaban sa kanila, pero pilit pa din akong nanlaban.

Pero sadyang malas ako ngayong araw. Dahil mayroon silang tinurok sa gilid ng aking leeg , kaya napa aray ako ng kaunti sa sakit na dulot nito. Paunti-unti namang nanghina  ang aking katawan at nanlalabo ang aking paningin.

"Anong nangyayari sa akin?" napapaos kong tanong, pero walang sumagot sa kanila.

Hanggang sa naramdaman ko pumikit ng tuluyan ang aking mga mata at kinukob na ako ng dilim.

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon