"Pakawalan mo si Megan, at ibibigay ko si Papa sa iyo." Isang mala demonyong halakhak ang pinakawalan niya bago unti unting tumango.

Dahan dahan siyang lumapit sa akin, habang hawak hawak ang buhok ng aking kaibigan na si Megan.

Ganon din ang aking ginawa at maingat na tinayo si papa. Lantang gulay siyang tumayo, palapit na siya ng palapit sa amin. At ng nagkatapat na kami ay hinawakan ko na sa kamay si Megan, ganon na din siya kay papa.

Nang nasa akin na si Megan ay binunot ko na ang baril na nasa aking bewang at kinasa iyon. Pero bago ko pa man iyon ma iputok ay naunahan na ako ni Vien.

Palapit na sa akin ang bala, pero mayroong humarang rito. Napatulala akong saglit, hanggang sa humandusay ang katawan ni papa sa sahig at hawak-hawak niya ang tinamaan ng bala sa banda ng kaniyang puso.

Nagdilim ang paningin ko at mabilisang pinutok ang baril sa balikat ni Vien. Katulad ni papa ay humandusay din siya sa sahig. Akmang babangon pa siya at ikakasa ang baril niya. Nang bumukas ang pinto at niluwal non ang mga pulis.

Isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan at nanghihinang napa upo sa sahig. Nang nakita ako ng mga rescuers ay ka agad nila akong nilapitan at inilagay sa isang wheel chair.

Akala ko tapos na ang laban, ngunit hindi pa pala.

"May bomba akong nilagay dito sa isla! Hindi pa tapos ang lahat!" Sigaw ni Vien habang nilalagyan siya ng posas, paano siyang nakakapagsalita kung mayroon siyang tama ng mga baril?

"Kalahating oras! Kalahating oras! Sasabog na ang bomba! Sasabog na ang bomba!" Paulit ulit niya iyong sinabi at mala demonyong tatawa.

Lumipas lamang ang ilang minuto ay nakasakay na kami sa yate. Isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan. Makakaalis na rin kami sa islang ito.

Mayroong tumakas na luha mula sa aking kaliwang mata. Nakalaya na kami, makakabalik na ako sa pamilya ko.

Pamilya.

Hindi ko alam kung matatawag pa bang pamilya iyon. Pero isa lang ang alam ko, at iyon ay ang harapin at tanggapin ang katotohanan.

I need to accept the truth, to free my self from pain.

"Anak," isang tawag mula sa aking likuran ang naka agawa ng aking atensyon. Kasabay non ang pag-andar ng yateng aming sinasakyan.

Nandito ako ngayon sa taas ng yate at nakahawak ang aking mga kamay sa railings. Habang nakatanaw sa dagat.

"Chief," naiilang na tawag ko at sumaludo. Pero isang ngiti lang ang kaniyang naging tugon, sabay lapit sa aking pwesto. Nang maratig niya na ang aking pwesto ay hinarap niya ako at nginitian ng pakatamis tamis.

"Call me Daddy instead of Chief hija." Nagtubig ang aking mga mata at parang hinaplos ang aking puso.

My biological father is infront of me. What should I do?

Tumikhim siya sakin at sinenyasang yakapin ko siya. Wala akong sinayang na oras at yinakap siya ng mahigpit. Ganon din ang ginawa niya, kasabay non ang paghimas niya sa akong ulo. Sa ginawa niyang iyon ay mas lalo lang akong napaiyak.

"Tatlong minuto pa at masisilayan na natin ang pag-lubog ng isla." Tumango naman ako, habang nakayakap sa aking ama.

"Ang sabi ni mama, patay ka na daw? I mean sino ang napatay ni mama?"

"It wasn't me hija. It was your uncle, my twin brother."

Napatigil ako sa pag-iyak at nag-angat ng tingin.

"Mistaken Identity?" Isang tango ang naging sagot niya sa akin.

Papalayo na kami ng papalayo sa isla.

"How?"

"I was in my room when your father told me that he's going somewhere. I even asked him, kung saan siya pupunta. Pero kininditan lang niya ako. Isinawalang bahala ko lamang iyon. Magdamag siyang hindi umuwi sa bahay ng gabing iyon. Hanggang sa nabalitaan ko na lang kinabukasan ay may pinatay siya."

"Dulot ng galit ng paghihinagpis ay nagtungo ka agad ako sa pinangyarihan ng krimen. Pero bago pa man din ako maka abot don ay naaksidente ako. Isang mag-asawa ang naka bunggo sa kotse ko anak. Nagka amnesia din ako nak, at ngayon ngayon ko pa lang na alala ang lahat-lahat."

"Ang pamilyang naka bunggo sa akin, sila ang nag paaral sakin mula high school hanggang college.
Wala na ang lolo at lola mo nak, maaga silang kinuha samin. Lumaki lamang kaming magkapatid sa bahay ampunan at nung matanda na kami ay pinakawalan na din kami."

"Paano niyong na meet ang tinuri kong ina?"

"Let's just say, she's one of a kind. Hindi ko alam na mayroon na pala siyang asawa. Isa iyong pagkakamali anak. At kaya namatay ang uncle mo ay dahil sakin. Nang gabi palang iyon, nag text si Viy at sinabi niyang magkita kami sa hotel. Pero hindi ko nabasa yon, bagkus ang uncle mo ang nakabasa. Nung isang araw ko lang ding nalaman na may gusto pala ang aking ka kambal kay Viy, kaya siya ang nagpunta. Dahil aaminin niya pala ang tunay niyang na nararamdaman.Pero ganon na lang ang nangyari."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko para sa aking ama.

Ganon na lang ang pag-laki ng aming mga mata ng makarinig kami ng malakas na pag-sabog. Sabay kaming tumingin ng aking ama sa pinaggalingan ng pag-sabog.

Ang isla unti unti ng natutupok ng apoy. Ngumiti ako ng mapait at pumihit na upang humarap sa aking totoong ama.

"Paano niyo nalaman ang eksaktong lokasyon ng isla daddy?" Naiilang parin ako sa pagtawag sa kaniya ng daddy.

"Tinuro samin ng iyong ama-amahan kung saan ang eksaktong lokasyon nito. Pati na rin ang anklet ni Vien."

He's right. Dahil galing sa isang rehabilitation center si Vien kaya mayroon siyang anklet. Matagal na niyang sinira ang gps non, kaya hindi siya matupok tupok ng mga pulis. At maari lamang siyang ma locate muli kung nasira na ang anklet niya. Lahat ng galing sa rehabilitation center ay may kanya kanyang anklet. Isa iyon sa kanilang mga patakaran. At walang sino man ang may kakayahang makatanggal ng anklet, maliban na lamang sa gumawa nito. Kaso ang gumawa ng anklet ni Vien ay patay na.

"Anong mangyayari kay Vien at papa?"

"Ikukulong sila anak." Tumango naman ako dahil iyon naman talaga ang dapat. Si papa na involved sa mga illegal transactions at si Vien na madami ng napatay na mga inosenteng tao.

Pero, kaya ko nga bang ipakulong ang sarili kong ama?

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon