"I bet you are the famous, Ellwood Echeverri that own a hundreds of cargo ship around the world?" Pagbubukas ng usapan ni Iverson dito.

Lumunok ako. Hindi nakarating sa'kin ang ganoong balita noon. Siguro marahil ay hindi naman ako bukas sa businesses industry kung saan limitado lamang ang alam ko.

"I'm glad you heard my name." sagot ni Ellwood na humila ng baso ng juice at simple iyong ininom.

Pansin ko ang bigat ng mga tingin ni Iverson sa'kin bago balingan muli si Ellwood.

"Paano mo nakilala ang pinsan ko?"

Doon ako na-alarma dahil sa tinatakbo ng usapan. Mabilis akong sumulyap kay Ellwood na hindi man lang mababanaagan ng kaba.

"It doesn't matter how we've met. Ang mahalaga ngayon ay ligtas siyang naka-uwi dito sa bahay n'ya." He emphasize his last word with confidence.

I bit my lower lip. Pakiramdam ko ay tagaktak ang pawis ko sa noo kahit pa naka-central air conditioning naman ang buong bahay.

Iverson shrugged his shoulder and darted his gaze at me.

"I'm happy you're back!" anito sa'kin sa huli.

Tumango lamang ako dito at tahimik na tinuloy ang pagkain. Hanggang sa pukawin kami ng sasakyang dumating.

Agad na tumahip ang matinding kaba sa puso ko nang marinig ko ang tawa ni Auntie Celeste.

Mabilis kong nabitiwan ang hawak na kubyertos at tangka na sanang tatayo nang pigilan ako ni Ellwood. He place his hand over my lap at doon nanatili ng matagal.

"Relax..." Ellwood muttered to me.

"Venizensa?!"

Halos pawalan ako ng ulirat nang marinig ang matinis na boses ni Auntie Celeste. Kasunod nito si Dolfo na hinubad ang suot na sumbrero.

Tears started forming in eyes. Halos manginig sa takot ang aking dalawang tuhod habang nakatingala kay Dolfo.

"Oh God! You're here! Nakabalik ka na! Hindi mo alam kung gaano kami nag-alala nang mawala ka. Saan kaba nanggaling ha?" Humakbang si Auntie Celeste palapit sa'kin para sana ako yakapin ngunit pinigilan ko.

"I'm fine, auntie." Pag-iwas ko.

"Great! Mabuti hindi ako kumain ng marami sa party. Manang pakidalhan mo nga kami ng plato dito!" utos nito kay Aling Ising.

"Oh, we have a company!" Bumaling ito kay Ellwood.

I smirk, alam ko naman na nagpapakitang tao lang siya ngayon dahil may bisita. Pero hindi nila pwede ikaila ang ginawa nilang krimen sa daddy ko.

"Good evening, Ellwood Echeverrii." Pakilala muli nito sa mga bagong dating.

"Echeverrii?"

"Yes, mom. The famous Echeverri trading," ani Iverson na tila may bahid ng panunuya sa boses.

"Oh?! It's my pleasure to meet you, Mr. Echeverri!" Halos hindi ito magkandatuto na makalapit kay Ellwood.

Tumayo naman si Ellwood at tinanggap ang pakikipag-beso ni Auntie Celeste.

"Please... Take a sit." Muli itong umikot at naupo sa kabiserang silya na dati' y inuupoan ni Daddy.

"Mukhang mali ka yata ng silyang inupoan, Auntie?" I asked in my tight lips.

Natigilan ito sa aking sinabi. Maging si Iverson ay tumaas ang tingin sa'kin.

"Pasensya ka na, hija. Nasanay na kasi akong dito nauupo, mula nang..." Hindi na nito naituloy ang sasabihin at sandaling natigilan.

White LiesWhere stories live. Discover now