Puno ng kaba ang dibdib ko nang tumapak ang mga paa ko sa bungad ng aming Mansyon.

"Lusing, halika rito't dumating na si Senorita Venice!" Malakas ang boses nito nang makapasok kami sa loob ng bahay.

"Nice home..." komento ni Ellwood sa aking tabi.

Kumakaripas naman ng takbo si Manang Lusing galing sa may kusina.

"Venice, hija!" Mabilis itong nakalapit sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. Agad na namuo ang luha sa mga mata ko ngunit mariin ko iyong pinigilan.

Pinipigilan kong maging emosyonal sa harapan nila dahil ayokong kaawaan nila ako sa sinapit ko.

"Saan kaba nanggaling? Ang tagal ka naming hinanap..." Halos mag-histerikal na ito habang may luha sa mga mata.

I smiled softly at her. Pinahid ko ang kaniyang mga luha.

Tumingala ito sa katabi kong si Ellwood.

"Ellwood ho, magandang gabi." Hindi na ito nag-atubiling ipakilala ang sarili.

Sumulyap sa'kin si Aling Lusing na bakas ang pagtataka ngunit sa huli ay ngumiti.

"Tamang tama nakahanda na ang hapunan halika na kayo sa komedor."

Muli kong sinulyapan si Ellwood na tumango lamang sa kaharap bago yumuko sa'kin.

"Uh, kain tayo?" nahihiya kong sinabi.

Sumulyap ito saglit sa kaniyang relong pambisig bago bahagyang tumango.

Sa komedor ay malikot ang mga mata ko. Hinahanap ko kanina pa sina Dolfo at Auntie Celeste.

Nang maihain na ni Aling Lusing ang inomin ay doon ko lamang naisipan itong tanongin.

"May dinaluhang pagtitipon d'yan sa kabilang bario. Kaka-alis lang nila." sagot nito.

Tumango ako at yumuko nang muli sa pagkain. Ngunit hindi pa man ako nakakasubo nang marinig kong muli ang boses ni Aling Lusing.

"Iverson, tamang-tama nakahanda na ang hapunan. Magandang balita, nakabalik na si Venice!"

Humigpit ang hawak ko sa kubyertos at dahan-dahang tumingala sa bagong dating.

Bakas ang gulat sa mukha nito nang makita ako. Pero agad ding nakabawi at ngumiti.

"You're back! Saan kaba nagpunta?" Lumapit ito sa'kin saka ako niyakap mula sa likod niyapos ang aking leeg gamit ang kaniyang mga braso.

He wear a plain white sando kaya lantad na lantad ang mga braso nito. Pansin ko ring inamoy nito ang buhok ko bago ako pakawalan.

Naupo ito sa mismong tapat ko na bakas ang isang ngiting na-miss ko ng sobra.

"May importante bagay lang akong ginawa." sagot ko.

"Mas importante pa kesa sa lamay at libing ng daddy mo?" Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito nang sumulyap ito sa katabi kong si Ellwood.

"Hindi sa ganon, ano kasi mahabang kwento." Pag-iling ko. Tiyak kong walang alam si Iverson sa tunay na nangyari.

"Ah, si Ellwood pala." Pakilala ko dito.

"Iverson, pinsang buo ni Venice," anito sa kaharap.

"Ellwood Echeverrii." sagot nito.

Dumiin ang pagkakasandal ko sa aking silya nang magsukat ito ng tingin. Ellwood stay cool and calm at his seat while Iver is so cold and serious.

Isang tango lang ang ibinigay dito ni Iverson bago ituloy ang pagkain. Hindi na ito muli pang nagsalita. Kahit pa marami pa akong gustong itanong ay pinili ko nalang na manahimik.

White LiesWhere stories live. Discover now