Epilogue

4.6K 154 66
                                    

Whelving Warmth
Epilogue

"Sadie's back in the country." Agad na umangat ang tingin ko nang marinig ang pangalan niya.

Trivion raised his arms up with palms forward as he continued walking inside my office. "Chill, dude! I'm not stalking her! Nabanggit lang ni Tamara kanina!"

"Oh? Edi welcome back sa kanya." I tried hard not to look affected. Binalik ko ang atensyon sa ginagawa ko kanina.

Tatlong buwan na ang nakakalipas nung pumunta ako sa California para sunduin siya sana. Three months have passed since I told myself that I'll let her go. I won't go after her anymore.

I can feel Trivion's heavy stares on me. He cleared out his throat, "She also mentioned that their family is already preparing for the wedding."

My grip on my pen tighten. Alam ko... Nabanggit nga sa akin ni Mr. Esquivel nung huli kaming nag-usap.

"You're really not going to make a move anymore? Ang tagal mo nag-intay kay Sadie, dude. Sayang naman!"

"Masaya na si Sariah."

"Are you sure? Did you ask her?" mapaghamon niyang tanong.

Nakita ko. I saw it with my own eyes. At yun ang pinanghahawakan ko. Atleast, masaya siya ngayon. That's the only thing I want for her since the start.

"Okay na yung tao, Triv."

"In my perspective, you two still need to talk to each other. Maybe Sadie's fine already, but how about you? You'll just let it pass like that? After everything?"

"I'm fine knowing she's okay already."

Hindi siya makapaniwalang nailing. Ilang beses niya ko sinabihan dati na kung anong tapang ko lumaban kapag sa korte siyang duwag ko pagdating sa pag-ibig.

But I guess that's how love is. You need to know when to stop fighting. Not because you're scared but because you know that it's for the better.

Dahil yun ang kailangang gawin. Yun ang dapat.

Hindi lahat ng pag-ibig ay dapat ipaglaban. Just like my love for her. Mahal na mahal ko pa rin si Sariah. Walang nagbago. Pero wala na rin kasing patutunguhan kung ipagpapatuloy ko pang lumaban.

Hindi naman na kasi ako ang mahal niya.

"Martyr ka rin talaga kuya, no?" pang-aasar sakin ni Aella. "Go ka pa rin, eh. Ikakasal na yung tao, diba?"

"Hindi ko naman aagawin!" depensa ko.

"Sus! Para saan 'to? Anong mapapala mo dito?"

I looked around the empty gallery. A month from now and this will be filled with Sariah's paintings.

"Hindi ko alam. Wedding gift siguro?"

She rolled her eyes. "Ayos, ang bongga naman ng wedding gift ng ex. Baka balikan ka nyan."

I let out a chuckle, "Seryoso kasi, Aei. I just want to do this for her. Alam ko kung gaano kahalaga 'to kay Sariah. And, wala naman akong hinihinging kapalit. Hayaan mo na ko. Bigay mo na 'to sakin."

Kahit hindi niya malaman na ako ang may pasimuno nito. I promised before that I would always be by her side in achieving her dreams. I'll keep my promise even without her knowing.

Aei's eyes were filled with pity, "Mahal na mahal mo pa rin talaga si ate."

"Hindi naman nawala."

At wala akong balak na mawala yun. I know that she's getting married already, pero hindi naman yun nangangahulugan na dapat tumigil na rin ako sa pagmamahal ko sa kanya, diba?

Whelving Warmth (LAS #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu