33

1.9K 51 14
                                    

Whelving Warmth
Chapter 33

"Ma naman, bakit ganito?!"

Frustration is evident in his voice. Marahas niyang pinasadahan ng kamay ang buhok niya ng muling dumapo ang mata niya sa mga larawan sa sahig.

We went to Pangasinan earlier than we planned because of those pictures. Hindi pa rin ako makapaniwala kung gaano kabilis ang mga pangyayari sa araw na 'to.

Kaninang umaga, nalaman ni Theo na maghihiwalay na ang tumayong magulang niya. Tapos yung live video. After watching it, I rushed to Alliance Law to see him.

Hindi mabubura sa isip ko kung anong itsura niya ng dinatnan ko siya. His office is a mess. His things are all over the place. I saw him sitting in the corner with with his head leaning on his arms placed above his knees.

Tatanungin ko pa lang dapat siya kung anong nangyari nang mapansin ang mga larawan sa tabi niya.

I covered my mouth with my hand to surpressed my gasp when I saw who's in it.

It was Gov. Abella and Tita Thalia being intimate to each other... too intimate.

"Ha!" he exclaimed when he reach for a specific picture. It was the one shot in the Governor's house wherein the two are kissing. "Sa bahay pa talaga nila? Hindi ka na nahiya, ma?"

Rinig na rinig sa loob ng bahay ang hikbi ni Tita Thalia. "Theo, anak—"

"Pano mo nagawa yun kay tita Gia?! Ma, sobrang naging bait sa atin nung tao. Bakit ka kumabit sa asawa niya?!"

Lalong lumakas ang iyak ni Tita Thalia dahil sa sinabi ni Theo.

"Iyak lang? Ang dami-dami namang lalaki dyan, bakit si Gov pa? Bakit yung may asawa pa?!"

Hindi pa rin siya nakatanggap ng sagot kaya lalong binalot ng iritasyon ang mukha niya.

"Nakakahiya, ma! Abogado ako tapos yung nanay ko kabit?!"

"Theo," pigil ko sa kanya. He's letting anger eat him up. Masyado ng masasakit ang mga salitang binibitawa niya.

Nilingon niya ko, "Bakit, Sariah? Totoo naman diba? Kabit yung nanay ko." Muli siyang bumaling kay tita Thalia, "Inahas mo si Gov kay tita Gia!"

"H-Hindi mo alam 'yang sinasabi mo!"

Pagak na tumawa si Theo, "Talaga, ma? Kahit sinong makakakita yun ang sasabihin."

When Tita Thalia raised her head, her eyes filled with tears were now looking at his son sharply. "Ako yung nauna kay Tristan! Ako yung nauna sa tatay mo!"

I gasped with her revelation. Nakita kong napaatras din si Theo.

"Kung may ahas dito, si Gia yun! Kami naman talaga dapat ni Tristan! Ako.. ako yung pinangakuan niya ng kasal! Ako yung kasama niyang nangarap na magkaroon ng pamilya! Pero dumating lang si Georgia, nakalimutan na niya ko!" punong-puno ng hinagpis ang boses niya. "Kahit.. kahit nung sinabi ko sa kanya na buntis ako! Alam mo ba kung gano kasakit yun? A-Akala ko babalik na siya sa akin! Sa atin! Pero anong nangyari? Yung nanay-nanayan mo pa rin yung pinili niya! Si Gia pa rin!"

"Ma..."

"Ilang taon ako hanggang tingin lang sa tatay mo, Theo! Nakuntento na ko malimos ng atensyon niya! Nakuntento na kong kinakausap niya lang ako kapag tungkol sayo. Kahit sa loob-loob ko, sabik na sabik akong makasama siya! Kaya ngayon na tumitingin ulit siya sa direksyon ko, masisisi mo ba ko?!"

"Pero mali pa rin!" Lumapit ako kay Theo para haplusin ang braso niya. His chest is moving because of his heavy breathing. "Mali ka pa rin, ma. Pano si Tita Gia?!"

Whelving Warmth (LAS #1)Where stories live. Discover now