Kabanata LVII. Paghihintay

37 5 0
                                    

Pagsasalaysay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagsasalaysay

Wala pa ring kumikilos mula sa dalawng hukbo na magkaharap sa gitna ng palasyo ng Hilaga.

Hindi maikakaila ang tensyon na namumuo sa pagitan ng apat na hari at dalawang reyna na siyang kinababahala ng lahat.

Iisa lamang ang nasa isipan ni Edward, Maldua at Cleotora - hindi nila nais magkaroon ng alitan na maaaring magresulta ng digmaan laban sa hari ng Hilaga.

Ngunit hindi ito ang nasa isipan ng Hilaga. Ang tanging nais lamang nito ay mapasakamay ang buong bansa. Hindi niya bibiguin ang kaniyang mga ninunong naghangad ng kapangyarihan na siyang binaliwala ng kaniyang ama at mga kapatid.

Para sa kaniya ay maituturing siyang kakaiba sa lahat ng naging tagapagmana ng Kanluran. Siya lamang ang nagtagumpay na makamtan ang anumang nangyayari ngayon na siyang hindi naisakatuparan ng kaniyang mga ninuno.

At dito mismo sa gitna ng Hilaga niya patutunayan na kaya niyang magtagumpay sa pagsakop ng buong bansa. Siya ang susunod na magiging hari ng lahat.

Kaya naman upang umpisahan ang kaniyang pagtatagumpay ay agad siyang tumingin sa itaas ng balkonahe kung nasaan ang kaniyang anak na si Saryo - ang kinikilalang Prinsipe Gabriel ng Timog-Silangan.

Nagpapasalamat siyang hindi naging suwail ang tanging magmamana ng kaniyang trono kung hindi ay mapipilitan itong patayin ang anak niya kung sakaling magiging sagabal ito sa kaniyang plano.

Matagal na niyang minimithi ang kapangyarihan at hinding-hindi niya ito ipagpapalit kanino man. Kahit pa ang buhay niya ang kapalit ay ibibigay niya kung ang magiging kalalabasan naman nito ay ang kapayapaan na hinihiling niya noon pa man.

Nakita ni Saryo ang pagtingin ng kaniyang ama sa kaniya mula sa ibaba kaya't alam na niya ang susunod na gagawin.

Agad itong bumama sa ilalim ng kaharian kung nasaan ang selda na naglalaman ng mga importanteng bihag na siyang gagamitinn ni ama sa digmaan.

"Ilabas na ang mga bihag."

Agad na sumugod ang tatlong kawal na siyang may hawak ng tatlong bihag. Umiiyak ang mga ito habang nagmamakaawa na huwag patayin ngunit piniling magtaingang-kawali ni Saryo upang hindi maging sagabal sa plano ng kaniyang ama.

Ito na lamang ang natitirang importante sa buhay niya maliban kay Isabel kaya hindi nito kayang sumalungat sa ama. Ipinangako nito sa aking ibibigay ang kapayapaang matagal ng hinihiling ng aking minamahal kaya't kahit pa ang tiwala ng mga taong nag-aruga sa akin ang maging kapalit ay handa akong wasakin ito para sa aking minamahal.

'Patawad Isabel, aking mahal, alam kong hindi sa ganitong paraan mo nais makamit ang kapayaan ngunit ito na lamang ang natitirang paraan upang maibagay sa iyo ang mithiing nais mong tuparin kasama ko. Narito ako ngayon upang ihandog ito sa iyo kaya't sana'y matanggap mo pa rin ako sa kabali ng lahat.'

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Where stories live. Discover now