Kabanata XXII. Saryo

133 62 22
                                    

Prinsipe Gabriel

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Prinsipe Gabriel

Nakapikit si Beatrice habang papalapit ang aking mukha sa kaniya. Narinig ko ang pagsara ng pinto bago ang pagkalansing ng mga kadena tanda na walang makakapasok sa loob ng silid kung hindi ko ipinag-uutos na buksan.

"Beatrice." madiin pa rin ang pagkakapikit niya pati na rin ang kaniyang labi. Wala sa plano ko ang galawin ang prinsesa ngunit katutuwa-tuwa ang kaniyang ipinapakitang reaksiyon.

Nag-uumapaw ang aking kasiyahan kapag nakikita kong unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa. Sa mundong ginagalaw ng lahat, tanging ang sarili mo lang ang magliligtas sa iyo. Matitirang nakatayo ang taong kayang ipaglaban ang sarili. Hindi maaaring lumaban ang mga mahihina. Dahil sa laban ng buhay, sila ang unang mamamatay.

"B-Bakit? Bakit nagawa mong magtaksil sa kaharian, Prinsipe Gabriel?" nanginginig ang mga boses nito tanda na mayroong takot na lumulukob sa kaniya. Tumawa ako bago hinagkan ang kaniyang pisngi.

"Kamukhang-kamukha mo si Isabel. Ang mga matang nagpapakita lamang ng pagmamahal. Ang mga labing tanging mabubuting salita lamang ang sinasambit. Ang buhok ninyong kulay kayumanggi. Ang ugaling may paninindigan... hinding-hindi ka nalalayo sa iyong kapatid." wika ko sa kaniya. Ramdam ko ang pagsikip ng aking dibdib. Bumabalik na naman ang galit na hinding-hindi ko makakalimutan.

"B-Bakit... B-Bakit mo kilala ang kapatid kong babae? H-Hindi mo sinagot ang katanungan ko." tugon niya sa akin na mas lalong nagpaalab ng aking damdamin.

"Akin si Isabel. Anong karapatan niyong ilayo sa akin ang babaeng mahal ko? Hinding-hindi ko kayo mapapatawad." sinakal ko ang kaniyang leeg kaya't agad niyang pinigilan ang pagdiin nito.

Nagpupumiglas ang kaniyang katawan kaya't mas lalo kong idiniin ang paghawak dito. Matagal ko ng gustong gawin ito sa iyo Beatrice. Unang tapak mo pa lamang sa kaharian ay mas lalong nagliyab ang galit ko sa pamilya mo. Sila ang dahilan kung bakit namatay si Isabel, ang babaeng mahal ko.

"N-Namatay si Prinsesa I-Isabel sa isang hindi ma-maipaliwang na s-sakit... k-kaya't ano ang iyong s-sinasabi, Prinsipe G-Gabriel." Mas lalo kong idiniin ang pagsakal sa kaniya. Mas nagngitngit ang aking ngipin dahil sa galit. Hindi ako naniniwalang sakit ang pumatay kay Isabel.

"B-Bitawan mo a-ako, prinsipe." Pansin ko ang panghihina ng kaniyang hawak sa aking kamay tanda na wala na itong lakas para manlaban. Tumigil na din ang pagtikwas ng kaniyang katawan kaya't binitawan ko ang kaniyang mga leeg.

May plano pa si Amang hari sa kaniya. Hindi maaaring mamatay si Beatrice.

"Hinding-hindi ko mapapatawad ang iyong ama, Beatrice. Noon pa man, alam kong hindi ako ang prinsipeng nais niya para kay Isabel kaya't pinilit niya ang iyong kapatid na pakasalan si Herodes kapalit ng buhay ko." Umalis ako sa kaniyang itaas at pinagsiklop ko ang aking mga kamay bago ipinatong ang dalawang siko sa aking tuhod. Ipinatong ko ang aking ulo sa magkadikit kong mga kamay.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Where stories live. Discover now