Kabanata XXVI. Alpas

99 52 23
                                    

Prinsipe Charles

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Prinsipe Charles

"Ikinagagalak namin ang inyong pagdating sa aming kaharian Prinsipe Charles at Prinsipe Gabriel," ani ni Haring Maldua.

Dalawang araw ang aming paglalakbay papunta sa Timog upang matunton ang kinalalagyan ni Prinsesa Beatrice. Agad kaming sinalubong ng hari upang magbigay utos tungkol sa paggalaw namin sa kaniyang kaharian.

"Narito kayo upang iligtas ang nag-iisang prinsesa ng inyong kaharian na si Beatrice, ako'y nalulungkot sa kaniyang kalagayan ngunit huwag kayong mag-alala dahil ang aking mga tauhan ay gumagalaw din upang makatulong sa inyong paghahanap." Ngumiti ako sa kaniyang tinuran. Mabuti na lamang at hindi nagkamali si ama na makipagsandugo kay Haring Maldua.

"Sinasabing gumagalaw ang tauhan ng samahan na ito hindi kalayuan sa hangganan ng Silangan at Hilangang bahagi ng aming kaharian. Mukhang may balak ang mga itong maglakbay patungo sa Kanlurang bahagi." Agad tumayo ang aking kapatid ng makita ang pagpasok ng isang prinsesa na may suot pangkawal.

Si Prinsesa Mallyari ang isa sa pinakakilalang prinsesa na may magandang estado sa buong kaharian. Maraming tumatangkilik at umiidolo dito sapagkat ang kaniyang katangian na tulad ng kay Beatrice na may matapang at mabuting kalooban ang siyang kilala dito.

"Si Prinsesa Mallyari ang nanguna sa paghahanap ng lungga ng mga kalaban ngunit sinasabing hindi nagtatagal ang mga ito doon kaya't ito na lamang ang pagkatataon ninyo upang masiguro ang kaligtasan ni Beatrice." Tumango kaming tatlo bago nagpasiyang maghanda.

"Prinsipe Charles," lumingon ako sa tumawag ng aking pangalan. Nakita ko amg pamilyar na mukha ng isang prinsesa. "Pakiusap iligtas niyo si Binibining Beatrice."

Ngumiti ako bago lumuhod kay Prinsesa Keyla na kapatid ni Prinsesa Mallyari. Isa ito sa mga estudyante ni Beatrice kaya't nasisiguro ko ang pag-aalala ng mga ito sa kanilang guro.

"Huwag kang mag-alala, ibabalik namin si Prinsesa Beatrice sa kaharian. Mag-ensayo kayo ng mabuti pagbalik mo sa kaharian. Naroon si Maestro Marco upang saluhin ang responsibilidad ng inyong binibini." saad ko bago kami tuluyang lumisan.

Sakay kami ng kabayo patungo sa Silangan. Ilang oras bago kami makarating doon kaya't nagpasiya kaming huwag na magmadali at dumiretso na sa kutang natunton ng isa sa kanilang mga espiya.

"Goryo, nasaan ang kuta?" ani Prinsesa Mallyari na siyang itinuro naman agad ng lalaking si Goryo.

"Kasalukuyang walang paggalaw ang mga ito sa isang liblib na gubay ngunit may dumating na karwahe bago ko nilisan ang parteng iyon kaya't kailangan na nating magmadali." anang Prinsesa Mallyari kaya't humigpit ang aking hawak sa lubid na nakapulupot sa aking kabayo.

'Parating na kami, Beatrice. Huwag kang mag-alala.'

"Mag-iingat kayong lahat baka may mga patibong na nakakalat sa palig-" Hindi na natapos ang sasabihin ng aking kapatid na si Prinsipe Gabriel ng may dalawang sibat na lumipad patungo sa amin.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Where stories live. Discover now