Kabanata XXIV. Pagtambang

116 59 24
                                    

Prinsesa Beatrice

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Prinsesa Beatrice

Muling bumaling ang tingin ko sa emperador na nasa aking tabi. Mahimbing ang pagtulog nito habang nakalagay pa rin ang dalawang kamay sa kaniyang batok na mistulang ginawa niyang sandalan upang hindi sumakit ang kaniyang ulo sa paglapat nito sa kahoy ng karwahe.

Saka ko lakang naalala kung paano niya hinawakan ang talim ng punyal na galing sa isang lalaki kanina. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pagtulo nito sa batok niya ngunit hindi man lang niya ito binibigyang pansin.

Nagbuntong hininga ako, "Beatrice. Bakit ba kailangan mong mag-alala sa lalaking 'to? Hindi mo ba alam na isa siya sa mga kasapi ng dumakip sa iyo? Dapat ang prinoproblema mo ay ang pagtakas sa karwaheng 'to." bulong ko sa aking sarili ngunit natagpuan ko pa rin ang sarili kong pinunit ang kaunting bahagi ng laylayang suot ko.

"Isa kang hangal, Beatrice." Umiiling akong lumingon sa lalaking nangngangalang Kalid bago ko itinaas ang aking kamay.

"Tss." Hindi ako makapaniwalang nagbuntong hininga ng hindi ko mawari kung paano ko tatanggalin ang mga kamay niya sa batok kung nakapulupot pa rin ang lubid na nasa pulsuhan ko.

"Ano ang iyong nais gawin, prinsesa? Hindi ka makakatas gamit ang isang tela." saad niya sa akin habang nakatingin sa pirasong damit na aking hawak.

Dahil sa aking kahihiyan ay ibinaba ko ang kamay kong nasa ere at hindi na siya binigyang pansin. Ramdam ko pag-ayos ng pag-upo nito bago inilabas ang punyal sa kaniyang hita. Ang akala ko'y kung saan niya ito gagamitin kaya't laking gulat ko ng maramdaman ang ginhawa sa aking pulsuhan.

"Hindi ka makakaalis sa karwaheng 'to kaya't magpahinga ka na lamang dahil sigurado akong puro pasakit ang mararamdaman mo sa Hilaga." madiin niyng saad sa akin bago bumalik sa dati niyang puwesto.

"Sa tingin mo ba'y matatakot ako sa banta ng iyong hari? May tiwala ako sa aking kaharian." Mapang-asar itong tumawa sa akin bago pumikit. Kinuha ko naman ang pagkakataong iyon para hilahin ang kaliwang kamay niya.

Pansin ko ang pagkagulat niya ng bawiin nito sa akin ang kaniyang kamay ngunit diniinan ko lalo ang parte kung saan mas ramdam ang sakit.

"Aray! Tigilan mo nga iyan. Hindi ko alintana ang sakit kaya't maaari mo ng bitawan ang kamay ko." daing nito sa akin ngunit nakipagtitigan lamang ako sa kaniya.

"Maaaring hindi mo ramdam ang sakit ngunit hindi magiging maganda ang iyong kalagayan kung mas magiging malala pa ito." Mabuti na lamang at may praskong nakalagay sa kaniyang tagiliran kaya't walang paalam ko itong kinuha.

"Kahilingan mo bang mamatay, prinsesa?" Nagtama ang tingin naming dalawa matapos niyang bitawan ang katagang iyon. Kung titingnan ang kaniyang mga mata ay tila masaya ang mga ito sa balak ngunit nakikita ko sa loob nito ang lungkot.

Lungkot marahil sa ano? Tila matagal ng nalulumbay ang lalaking ito kaya't hindi ko nakayanan ang pakikipagtitigan dito. Binitawan ko ang kamay niya bago itinaas ang aking kanang kamay. Marahan kong pinakiramdaman kung aangal ba siya sa aking nais ngunit ng makitang pumikit ito ay dahan-dahan kong ipinatong ang aking palad sa mga mata niyang nakapikit.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Where stories live. Discover now