Kabanata LI. Digmaan

56 12 0
                                    

Pagsasalaysay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagsasalaysay

Dalawang hukbo ang siyang naglalakbay patungo sa dalawang magkaibang ruta.

Ang isa ay patungo sa Timog kung saan kasalukuyang nakikipagdigmaan si Haring Maldua, ang hari ng mga daga, sa mga Himalayanan, na isang hindi kilalang samahan.

Si Haring Edward, ang hari ng mga aso, ang siyang namumuno ng hukbo patungo sa Timog kasama ang ilang daan nitong kawal pati na rin ang labing-dalawang kakabaihan na pinamunuan noon ni Beatrice.

Ang isang hukbo ay patungo sa Gitnang Kaharian kung saan iniutos ni Haring Edward na bantayan ang galaw ng mga dugong bughaw sa gitna upang hindi na muling makapagpalaganap ng kasakiman at bigyang hustisya ang kanilang maling gawain.

Sa pamumuno ng ikalimang anak ng hari na si Prinsipe Rafhael kasama ang pinakabatang prinsipe ng Hilaga na si Prinsipe Jakob.

Sina Prinsipe Cain at ang dalawang ministro kasama ni Maestro Marco ang siyang namumuno sa kaligtasan ng kaharian.

Nagsimula na silang gumalaw upang ilagay sa ligtas na lugar ang mga mamamayanan bago pa man sila maunahan ng mga Himalayanan.

Hindi gaya ng madalas na mga kaharian kung saan sa ilalim ng palasyo naglalagi ang mga mamamayanan ay may itinayong sikretong lagusan si Haring Edward patungo sa isang malaking lunggaan na gawa sa matitibay na bato at tanging isang lagusan lamang ang makikita upang hindi agad makapasok ang mga Himalayanan.

"Tatlong oras pa bago makarating ang mga taga-Hilaga, prinsipe. Mayroong mga kawal na nakabantay sa kanila kaya't ang pagmamasid na lamang sa mga kahina-hinalang kilos ang siyang ating kailangang gawin"

Tumango ang prinsipe sa winika ng isang kawal bago niya ito inutusang magmanman. Lumapit sa kaniya ang mga ministro kasama si Maestro Marco.

"Nasisiguro ba ninyo na ang lihim na lunggaan ay hindi makakarating sa hari ng mga Himlayanan?"

Ito ang naging tanong ni Pinunong Ministro Miguel kay Prinsipe Cain.

"Tiyak naming kayo lamang at ang haring ama ang nakakaalam ng lihim na lunggaang ito, Ministro Miguel. Huwag kayong mag-alala sapagkat pananatilihin nating ligtas ang lahat."

Tumango ang tatlo bago tahimik na pinagmasdan sa balkonahe ang libo-libong mga mamamayan ng Timog-Silangan ang agarang lumilikas patungo sa lunggaan.

Labis-labis ang kabang nararamdaman ni Cain sapagkat sa kaniyang mga kamay nakasalalay ang buhay ng bawat tao ng Timog-Silangan. Nangako siya sa sariling kahit na hindi espada ang kaniyang gamit ay buo pa rin ang paniniwala niyang lumalaban din siya para sa kaharian.

TIRIK ANG ARAW nang makarating sina Haring Edward sa Timog. Halos nakahandusay na at naliligo sa sari-sariling mga dugo ang siyang nakasalubong nila bago pa man makarating sa gitnang bahagi ng Timog kung saan naroon ang digmaan.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Where stories live. Discover now