Kabanata XLIV. Kasapi

62 33 0
                                    

Emperador Kalid

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Emperador Kalid

"Maaari ko bang makausap ang inyong hari?"

Naging tagumpay ang aming plano. Kusa akong nagpahuli sa mga ito upang makarating sa kanilang lunggaan.

"Ano ang iyong nais sa aming hari, Hilagang-Kanluranin?" Narinig ko ang mga mga tawa ng kasamahan niya sa narinig.

Nakatali ang aking mga pulsuhan habang iniinda ang mga sakit na natamo ko sa kanilang karahasan. Tatlong araw na ang nakalipas simula ng huli naming pagkikita ni Prinsipe Narsis at hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakakalap na impormasyon.

"May kahilingan lamang ako na siyang hindi ko sasabihin sa inyo sapagkat sa hari ko lamang babanggitin ang aking nais."

Mas lalong lumakas ang kanilang hagalpakan sa narinig. Tila may nakakatuwa sa bawat salitang lumalabas sa aking bibig na tila umaakyat sa aking utak upang ako'y inisin.

Huminga ako ng malalim upang pigilan ang aking pagkayamot. Hindi sila ang pakay ko rito.

"Sa Diyos ka humiling na sana makaligtas ka pa sakaling dumating si Pinunong Saryo," wika nito bago nagpatuloy sa pag-inom.

Agad na nakuha nito ang aking atensyon. Pinunong Saryo? Ito ba ang namamahala sa kanila? Malapit kaya ito sa kanilang hari? Kung hindi ko magagawang makalapit sa hari ng mga ito'y magiging palpak ang aming plano ni Prinsipe Narsis.

"Pinunong Saryo."

Ang dating maingay na lunggaan ay nabalot ng katahimikan nang pumasok ang isang lalaking may suot ng itim na balabal gaya nila. Ang mga kalalakihang nag-iinuman ay agad na lumhod sa harapan nito upang magbigay ng papuri.

Hindi ko maaninag ang pinunong tinutukoy nila ngunit kung ito'y pagmamasdan ay makikita ang maganda nitong pangangatawan kasama na rin ang presensya nitong naghahatid ng takot sa lahat ng kasapi nitong nakaluhod sa kaniya.

"Nasaan ang lalaking sinasabi ni ama?" Agad na dumapo ang tingin nito sa akin nang halos lahat ng kalalakihan ay lumingon sa aking kinauupuan.

Nakasalampak ako sa sahig habang ang aking dalawang kamay at paa ay nakatali gamit ang makapal na lubid upang ako'y hindi makatakas.

Ang mga natamo kong pasa mula sa pakikipaglaban sa kanila ay humupa na ngunit may bago na namang mga marka ang mga ito sa aking katawan at braso. Gayunpaman ay kung ito lamang ang tanging paraan upang makamit ko ang aking nais mula sa mga ito'y masisiguro ko ang aking tagumpay.

"Pakawalan ang isang iyan." Mabilis na sumunod ang malapit na lalaki sa aking kinatatayuan. Halos nanginginig ang mga kamay nito sa pag-alis ng mga lubid na mahigpit na nakapulupot sa akin.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Where stories live. Discover now