Kabanata XXXVI. Tela

78 37 0
                                    

Prinsesa Beatrice

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Prinsesa Beatrice

"Ano ang nais mong gawin dito?" saad ni Kalid.

Naupo siya sa lupa malapit sa ilog habang ako naman ay nakaupo sa isang mataas na bato. Gustuhin ko mang ilubog ang aking mga paa sa ilog ay malamig ang rumaragasang tubig doon.

"Nag-iisip-isip. Hindi mapakali ang aking isipan sa tuwing naririnig ko ang kaguluhan sa gitnang bahagi." Kumuha siya ng maliliit na mga bato bago itinapon sa tubig.

"Kung balak mong maging isang bayani at sumugod mag-isa sa digmaan ay nasisiguro kong isa iyong imposibleng mithiin." Narinig ko pa ang pagngisi nito na nagpainit ng aking ulo. Patuloy pa rin ito sa pagtapon ng mga bata sa ilog.

"Kung sinasabi mong mahihina ang mga babae ay maaari kong patunayan sa iyong hindi totoo ang paniniwala mo." Umikot ang aking mga nata sa inis nang marinig ang pagsinghal nito sa akin.

"Hindi na ako magtataka kung saan nakuha ni Seya ang kaniyang prinsipyo," turan niya bago tumayo.

Kumuha ito ng isang malapad na bato bago itinapon sa ilog. Humanga ako nang makitang hindi agad ito lumubog kung hindi ay dalawang beses pang tumalon sa ibabaw ng tubig saka lumubog pailalim.

"Hindi ko sinasabing mahina ang iyong kakayahan. Nasisiguro ko lamang na hindi magiging maganda ang kalalabasan kung makikita ka ng dalawang panig." Nagtaka ako sa tinuran ni Kalid.

Ano ang kinalaman ko sa gulong namamagitan sa Himalayanan at Timog-Kanluran?

"Wala silang makukuha sa akin kaya't bakit magiging delikado ang aking pagharap?" Nagbuntong hininga ito at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

"Kung makikita ka ng Himlayanan na mag-isa ay siguradong hindi sila magdadalawang isip na patayin ka. Pangalawa, bihag kita at kung makakarating kay ama na pinabayaan kitang makidigma ay hindi mo gugustuhing parehas tayong nasa selda't nakakulong,"

Umirap ako sa naging paliwanag niya. Ngayon ko lamang muli narinig ang boses niya ngunit puro pang-uuyam at pang-iinis lamang ang naririnig ko. Mas mabuti pa atang hindi na lamang muli kami mag-usap.

"At ang panghuli," saad nito habang seryoso itong nakatingin sa akin. Hinintay ko ang sunod na mga salita ngunit umiling lamang siya at naupo muli.

Agad na uminit ang ulo ko sa pagkaputol ng kaniyang sasabihin. "Lapastangan! Kung magsasambit ka ng salita ay sisiguraduhin mong tatapusin mo."

Inis kong ibinalik ang tingin sa langit bago narinig ang mahinang tawa galing kay Kalid. Hindi ko na siya pinansin pang muli kaya nanaig ang katahimik sa aming dalawa.

Dahil sa kapal ng hamog ay natatakluban na rin nito ang magagandang bituin. Walang hudyat na babagsak ang ulan kaya naman isa itong magandang pangitain kinabukasan. Siguradong mas marami kaming magagawa.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin