Kabanata XXXIX. Impormasyon

76 35 0
                                    

Prinsipe Charles

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prinsipe Charles

"Mag-iingat ka, Prinsipe Charles." Tumango ako sa naging paalam ni Prinsipe Cain.

Malapit na ang pagsapit ng hating-gabi kaya naman walang makikita ni isang tao sa buong kaharian kung hindi kaming dalawa ni Prinsipe Cain. Ngayon ang tamang oras ng pag-alis sa Timog-Silangang upang sundin ang plano ni Maestro Marco.

"Ipapaalala ko lamang sa iyo, kung alam mo na may peligrong hatid ang mga makakasalamuha mo sa Gitnang Kaharian ay huwag kang magdadalawang isip na bumalik sa Timog-Silangang. Ang kapakanan mo ang importante sa misyong ito." Muli akong tumango sa kaniyang sinaad bago inayos ang kaluban na nakapaikot sa aking baywang.

Nagtungo ako sa liblib na daan patungo sa labas ng tarangkahan. Tanging ang mga prinsipe lamang ang nakakaalam ng sikretong lagusan na ito kaya naman hindi magiging mahirap ang aking pagtakas.

Sumakay ako sa kabayo na siyang aking gagamitin upang makarating sa Gitnang Kaharian. Apat na araw o higit ang aking kailangang tahakin bago marating ang nasabing kaharian.

"Paalam, Prinsipe Cain." Walang lingon akong nagsimula maglakabay.

Hindi mawala sa aking isipan ang sinaad ni Maestro Marco. Ako ang unang hakbang upang maisakatuparan ang tagumpay sa labanang ito. Hindi ko maiwasang isipin na ang kaligtasan ni Beatrice ang siyang dapat kong unahin ngunit may tamang panahon sa muli naming pagkikita.

Huwag kang mag-alala aking prinsesa. Hinding-hindi ako makapapayag na paghiwalayin tayo ng tadhana. Panghahawakan ko ang iyong pangakong pakikipag-isang didbib sa akin.

DALAWANG ARAW matapos kong magpatuloy sa paglalakbay. Ito na ang oras kung saan papasukin ko ang isang liblib na lugar. Ito lamang ang tanging daan upang makarating sa Gitnang bahagi ng bansa.

Sa dulo ng kagubatang ito'y makikita ang pinakamahabang tulay sa bansa. Ito ang siyang nagbibigay daan sa walong kaharian na siyang magkakabuklod upang mas madaling makarating ang mga dugong bughaw sa Gitnang bahagi ng kaharian.

Ang tanging nakatira at kinikilalang mamamayan ng Gitnang Kaharian ay ang tatlong hari na siyang namamahala sa buong bansa kasama ang kanilang pamilya.

Simula nang magsimula ang bansang aming kinalalagyan ay ang hari ng mga hari lamang ang nakatira sa bahaging ito kasama ang kanilang buong pamilya at ninuno.

Ngunit nang naging maugong ang bali-balitang pagsakop ng isang hindi kilalang samahan sa buong bansa ay nagdagdag ng dalawang hari ang Gitnang Kaharian upang mas mapalawak ang kanilang impormasyon at pwersa mula sa iba't-ibang kaharian.

Ngunit hindi inaasahang ang desisyon na ito ang siyang maghahatid ng pagkasira sa prinsipyo ng kaharian. Nang maupo ang tatlong hari na ito'y nagsimula ang kumpetensya sa kung sino ang mas mamamahala sa buong bansa, naging makasarili at sakim ang mga hari hanggang sa naabuso na nila ang kapangyarihang mayroon sila.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon