Kabanata XXIX. Narsis

92 44 15
                                    

Prinsesa Beatrice

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Prinsesa Beatrice

"Kapatid ko,"

Nakapako pa rin ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. Tila nawala ako sa tamang pag-iisip nang makita ang pamilyar na mukha ng aking kapatid.

"B-Beatrice."

Binitawan niya ang hawak na armas at dali-daling tumakbo patungo sa akin. Agad din akong natauhan at mabilis na sinalubong ang kaniyang pagrating.

Ngayon ko lang ulit naranasan ang ganitong pakiramdam. Masakit, masakit sa kadahilanang buong buhay ko pinaniwalaan kong wala na sila. Na kahit kailan ay hindi ko na sila muling mahahagkan ng ganito.

Masaya. Masaya ako kasi sa wakas nasa bisig na ako ng lalaking una kong naging kaibigan. Una kong pinagbuksan ng aking sarili at higit sa lahat ang unang lalaking pinagkatiwalaan ko.

"Prinsipe Narsis, kapatid ko," ani ko habang patuloy pa rin ang pagtangis sa kaniyang bisig.

Parang bumalik ako sa panahon na kasama ko siya dati. Umiiyak din ako noon sa bisig niya, hindi ako naging matagumpay sa pagputol ng limang tubong kahoy noon kaya naman labis-labis ang aking pagdamdam sapagkat malaki ang tiwala ko sa aking sarili na maipapasa ko ang ensayong ibinigay sa akin ni Prinsipe Narsis.

Subalit ngayon masaya akong narito na siya muli. Humilay ako sa kaniyang pagkakayakap at hinawakan ang dalawang pisngi nito. Inilapat ko ang aking noo sa kaniyang noo katulad ng dating gawi. Tumingin ako sa kaniyang mga mata at tinitigang mabuti kung siya pa rin ba ang lalaking nakilala ko noon.

"Maligayang pagbabalik, kapatid ko." Mahina niyang bulong kasabay ng pagkislap ng kaniyang mga mata marahil na rin sa luhang namumuo sa dito. Hindi ko makapaniwalang sa sampung taon na kami'y nagkahiwalay ay sa parehas na paraan pa rin niya ako nakikita.

"Ikaw pa rin ang nag-iisang prinsesa sa buhay ko." Hindi ko mapigilang matawa sa tinuran niya.

Hindi gaya sa Timog-Silangan, hindi lamang ako ang prinsesa sa Hilang kaharian noon subalit ang panganay na anak ni Haring Himalaya na si Prinsipe Narsis ang siyang pinaka-kasundo ko sa lahat ng magkakaptid.

Limang lalaki at tatlong prinsesa ang anak ng aking ama na si Haring Himalaya. Ako ang ika-walong anak ni ama kaya naman labis-labis ang atensyon na nakapukaw sa akin. Dahil na rin sa isa akong prinsesa ay naging mas protektado ang galaw ni Prinsipe Narsis sa akin.

Siya ang nagturo sa akin kung paano humawak at gumamit ng mga armas ngunit ang espada ang nagbigay koneksiyon sa aming dalawa. Hindi namin alintana ang oras kapag kami'y nag-eensayo, kung hindi pa kami tatawagin ni ina ay tiyak na makakaligtaan namin ang hapag.

"Masaya akong nakita kitang muli," bulong ko rito. Muli ko siyang niyakap ng mahigpit. Naramdaman kong buong lakas niyang ibinalik ang aking yakap.

"Magpapahinga lamang kami Narsis." Gumalaw ang balikat ng aking kapatid tanda na ito ay tinipik ni Kalid. Nakatalikod itong lumagpas sa akin kaya naman mabilis akong bumalik sa reyalidad.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Where stories live. Discover now