Kabanata XXVII. Amang Natatangi

99 46 23
                                    

Prinsesa Beatrice

"Kalid, kailangan na nating makalampas ng hangganan. Magiging mahirap kung maabutan tayo ng kawal ng Timog-Kanluran."

Nagising ako sa tinig ng isang lalaki. Sa tingin ko'y si Kudos ang may-ari ng boses na iyon kaya't agad akong nagmulat ng makitang bakal na kadena na naman ang nalapaikot sa pulsuhan ko.

"Itawid mo, ako na ang bahala kung sakaling may magtangka sa prinsesa," malamig ang tono ni Kalid.

Hindi niya pansin ang aking pagdilat kaya naman nagpanggap na lang ulit akong tulog. Sa tingin ko'y malayo-layo pa ang aming lalakbayin.

Sandali- Timog-Kanluran? Agad akong napaayos ng upo kaya't naagaw ko ang atensiyon ng emperador. Malamig ang kaniyang mga tingin kaya't agad akong nakaramdaman ng pananaasan ng buhok sa magkabilang braso.

"N-Nasaan na tayo?" mahina kong tanong sa kaniya bago muling sumandal sa aking kinauupuan.

"Hilagang parte ng Timog Kaharian. Maya-maya lamang din ay makakarating na tayo sa hangganan ng Timog Kanluran." Yumukod ito bago kinuha ang parisukat na bagay.

Agad kong binuksan ang lalagyanan, nahiya pa ako ng marinig ang pagkalam ng aking tiyan sa gutom kaya't agad rin akong kumain kahit mahirap ang aking kalagayan.

Napaisip ako kung anong nararamdaman ni Prinsipe Charles ngayon. Alam kong sinisisi niya ang kaniyang sarili kung bakit narito pa rin ako sa kalagayang ito.

Masaya na ako sa isiping nagbigay siya ng panahon upang iligtas ako ngunit kung tatanungin ko ang aking sarili ay mas pipiliin kong sumama kay Kalid kaysa manatili sa kaharian ng Timog-Silangan.

Ngayon ko lang napagtanto na marami pa pala akong hindi nalalaman sa labas ng kaharian. Nasanay ako sa mapayapang kapaligirian ng Hilaga at Timog-Silangan kaya't hindi ko nakikita ang hirap at hindi magandang kalagayan ng ibang mamamayan.

Ibinalik ko ang kahoy na lalagyanan ng pagkain kay Kalid habang binubuksan niya ang prasko. Iniabot niya ito sa akin bago muling pumikit.

"Kamusta ang palad mo?" Hindi ko mapilang tanungin ito sapagkat nakikita kong tuyo na ang dugo sa telang ginamit ko.

"Mawawala rin iyan kaya't matulog ka na lamang muli," saad nito.

Hindi ko napigilang umirap sa kaniyang tinuran. Lapastangan, siya na nga itong inaala ay siya pang may ganang mamutawi ng hindi maganda. Nawa'y magtagal ang paggaling ng kaniyang sugat.

"Ilang araw akong walang malay?" sinubukan ko ulit magtanong kahit na nakapakit na ito. Alam ko namang hindi siya basta-basta matutulog sapagkat iisipin niyang makakahanap ako ng pagkakataon na tumakas muli.

"Isang araw at kalahati," matipid niyang sagot. Umirap akong muli ng wala na akong mahitat na impormasyon sa kaniya.

Isang araw at kalahati. Sa tingin ko'y aabutin pa kami ng ilang oras bago makarating sa hangganan. Mas mahigpit ang pagbabantay doon kaya't alam ko ang pangamba ng mga kasama ni Kalid. Hindi madaling pumuslit sa bawat kaharian ng walang pahintulot kung hindi ay maaaring magdulot ito ng hidwaan mula sa dalawang panig.

"Emperador, hindi na maaaring magpatuloy ang ating mga kabayo kaya't kung mamarapatin ninyo'y maghahap na muna kami ng mapagtutuluyan ngayong gabi," saad ng isang tinig.

Hindi ko pa rin mawari kung sino sa kanila si Kudos at Kalil sa kanilang dalawa. Sa aking pag-oobserba ay masiyahin at mas malaya ang ugali ni Kudos kumpara kay Kalil na seryoso at hindi pala-imik. Maliban sa bagay na iyon ay wala na akong alam sa kanila sapagkat ang Emperador nilang lapastangan ang madalas kong kasama.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Where stories live. Discover now