Kabanata XX. Pagdakip

123 70 39
                                    

Pagsasalaysay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagsasalaysay

Ito ang araw na pinaka-hinihintay ng lahat. Ang araw kung saan ikakasal ang ika-limang prinsipe na si Prinsipe Rafhael ng Timog-Silangang Kaharian sa anak ng malapit nitong kaharian sa Timog na si Prinsesa Froilan.

Binuksan ang tarangkahan ng kaharian upang makapasok ang lahat ng mga mamamayan na nais masaksiyahan ang mahalagang seromonya sa buhay ng isang dugong-bughaw na prinsipe. Kagaya ng dati ay si Beatrice ang namamahala sa lahat ng mga kawal upang maging maayos ang kasal.

Magaganap ang seremonya sa isang malaking bulwagan kung saan punong-puno ito ng mga bulaklak. Ito ang naging opinyon ni Prinsesa Beatrice sa tema ng kasal ng prinsipe. Hiningi rin nito ang panayam ni Prinsesa Froilan ng dumating ito sa kaharian bago ikasal at ayon dito ay sang-ayon siya sa naging kinalabasan ng tema ng kaniyang kasal.

"Maghanda." Si Giovanni ang namumuno sa pagsalubong sa ikakasal. May mahabang pila ng mga kawal ang nakatayo sa magkabilang bahagi kung saan sa gitna nito ay lalakad si Prinsesa Froilan at Prinsipe Rafhael. Ito ay nagsisimula bago makarating sa pinto ng bulwagan hanggang sa pinakaloob habang ang kanilang mga espada ay nakataas sa ere upang magdikit ang dulo ng talim ng mga ito.

Mahabang puting damit pangkasal ang suot ni Prinsesa Froilan. Nakikita ang balikat nito na sadyang lalong nagpaganda sa ayos ng prinsesa. May mga bulaklak at paru-paro ring disenyo ang ilalim ng kaniyang bestida na siyang bumabagay sa tema ng kaniyang kasal. Ang buhok nitong nakalugay habang may patong-patong na koronang bulaklak ang siyang nagpaespesiyal ng kaniyang ayos.

Maraming nabighani sa itsura ng prinsesa ngunit tayong-tayo rin ang buong pagkatao ni Prinsipe Rafhael. Nakasuot ito ng kaniyang itim na pangmilitar tanda na kahit ito'y matatali sa isang pamilya ay may parte pa rin sa pagkatao nito ang nakataya sa kaharian.

Nakangiti ang prinsipe habang nakakawit ang kamay ng kaniyang mapapangasawa sa kaniyang kanang braso. Nakaalalay ito ng maayos sa kaniyang prinsesa patungo sa dambana kung saan naghihintay ang dalawang hari kasama ang kanilang reyna upang maihatid sa pinunong pari na magkakasal.

Nakatayo sa kaliwang bahagi ang pamilya ni Prinsesa Froilan kasama ang kaniyang mga kapatid na babae at lalaki habang ang anim na prinsipe ng Timog-Silangan ang siyang nakaupo sa kanang bahagi. Narito rin sa kasalanan sina Pinunong Ministro Frederick at Manuel kasama si Maestro Marco.

"Magsiupo ang lahat at sisimulan na natin ang seremonya." saad ng pari. Sinimulan niya ang kaniyang pagbibigay leksyon sa prinsipe at prinsesa kung ano nga ba ang kanilang responsibilidad bilang isang pamilya. Bumulusok ang tawanan sa bulwagan ng pagsabihan ng pari si Prinsipe Rafhael sa kaniyang pagiging mapagbiro.

Habang tinitingnan ni Beatrice ang mga mata ni Prinsipe Rafhael ay masasabi nitong kagaya niya'y tanggap na nito ang kanilang kapalaran. Siguro nga'y tama lamang na bigyan nila ng pagkakataong sumaya ang kanilang puso sa nakatakdang tao para sa kanila.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon