Kabanata XXVIII. Muling Pagkikita

96 46 17
                                    

Prinsesa Beatrice

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prinsesa Beatrice

"Bitawan mo nga ang kamay ko. Kaya kong maglakad mag-isa, ginoo," saad ko.

Wala siyang nagawa kung hindi bitawan ang kamay ko. Nasa unahan ko siya at di hamak na mas mabilis lumakad kaysa sa akin sa kadahilanang mas mataas siya kaysa sa akin.

"Ano ang utos ko sa inyo?" Napatayo sina Kalil at Kudos ng makitang nakatayo sa kanilang harapan si Kalid. Magkasandal ang kanilang mga ulo habang natutulog ng balikan namin sila.

"E-Emperador, a-ano, nakaligtaan namin si prinsesa ng m-makatulog kami. Ipagpaumamhin mo." Hindi alam ni Kudos ang uunahin, itulak ba pauna si Kalil para makapagtago sa likod o lumuhod para humingi ng paumanhin kay Kalid.

Naglakad ako upang maupo sa harapan nila at itapat ang kamay sa maliit na siga sa aking harapan bago tumingin kay Kalid. "Hayaan mo na, Kalid. Alam kong pagod sila kaya tumakas ako."

Napairap ang emperador sa aking tinuran bago umupo sa aking tabi. Kaharap namin sina Kalil at Kudos na parang estatwa ang tindig. Tuwid na tuwid ang kanilang likod habang nakapatong ang dalawang mga palad sa hita. Walang reaksyon ang kanilang mga mukha at tila mo'y malayo ang tingin.

"M-Mangangaso lamang kami ng ating pagkain." Hindi makalagaw ng maayos ang dalawa dahil sa tingin ni Kalid na hindi pa rin nagbabago. Sa ganitong paraan ko siya nakitang nagalit at nawalan ng emosiyon ang mga mata kaya naman ramdam ko rin ang takot na nararamdaman nilang dalawa.

"P-Paalam, Emperador," saad nila at nag-uunahang tumakbo paalis.

Tumayo ako ng makitang mauupos na ang siga ng apoy ngunit nahinto din ng magsalita si Kalid, "Huwag mong sabihin kailangan din ng dalawang iyon ang katangian ng simbolismo ninyo?"

Hindi ako makapaniwala sa tono ng kaniyang boses. Tila nang-uuyam ito at naghahanap ng gulo sa pagitan naming dalawa. Ano naman kung talagang mas makatutulong ang aming simbolismo sa kalagayan namin ngayon?

"May problema ka ba sa simbolismo ko? Isa pa, hindi naman ako susunod sa kanila. Maglalagay ako ng siga dahil nilalamig ako, hindi katulad mong balot na balot. Hindi ka ba naiinitan sa suot mo?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

Wala akong natanggap na sagot kaya ng lingunin ko siya ay nakita kong nakatingala ito sa kalangitan.

"Para sa isang prinsesa, hindi makikinata ang ugaling mahinhin sa iyo." Hindi ko inaasahan ang sinabi nito kaya naman binato ko siya ng isang kahoy.

Agad siyang umiwas ng makita ang paparating na bagay sa kaniya. Narinig ko pa ang pagngisi nito sa ilalim ng kaniyang tela bago ako muling bumalik sa siga. Pagkatapos ko itong lagyan ng bagong kahoy ay umupo na lamang ako sa harap niya.

"Hindi nabibilang ang isang tulad ko sa mga prinsesang sinasabi mo. Wala akong kaharian at di hamak na salta lamang sa Timog-Silangan kaya wala akong problema kung hindi prinsesa ang aking kilos at pananalita," saad ko bago tumingin din sa itaas.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon