Kabanata LIV. Muling Pagkikita

35 6 0
                                    

Prinsesa Beatrice

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Prinsesa Beatrice

Huminga ako ng malalim bago hinawakan ang busol ng pinto. Sa loob ng silid na ito'y makikita ko na ang siyang hari ng mga Himlayanan.

Katabi ko sa gilid si Prinsipe Gabriel at Krysta na siyang ganap ko ng tagapagsilbi dahil sa takot nitong makita si Kalid.

Simula nang sabihin nitong pinagsamantalahan siya ng Emperador ay pinanatili ko ang aking distansya kay Kalid. Hindi ko nais pagdududahan ang kaniyang pagkatao ngunit tila nasa harap ko na lahat ng patunay ng kasakiman nito.

Hindi rin ako nababahala sapagkat simula noong huli naming pag-uusap ay hindi ko na muling nakita ang mukha nito. Para bang bigla na lamang siyang naglaho sa kaharian kahit na sabihin ni Prinsipe Gabriel na nasa paligid lamang ito at baka nagkakasalisi lamang kami ng daan.

Mabuti na rin ito upang hindi na mas gumulo ang aking utak. Muli kong ibinalik ang pader na nakapalibot sa aking puso sapagkat ang huling taong aking pinagkakatiwalaan ay binaliwala ang importanteng bagay para sa akin.

"Beatrice, buksan mo na ang pinto." sa gilid ng aking mata ay pinagmasdan ko ang mukha ni Prinsipe Gabriel.

Hanggang ngayon ay labis-labis pa rin ang galit ko dahil sa ginawa niya sa aking kapatid ngunit hindi ko magawang gumalaw ng basta-basta. Ngayon ko napatunayang hindi na nga ito ang dating prinsipe na nakilala ko, hinding-hindi gagawin ni Prinsipe Gabriel ang pumatay.

Dahil na rin sa kaniya kaya pinilit kong itaas muli ang pader sa aking puso. Tunay ngang hindi mo maaaring husgahan ang isang tao base lamang sa kaniyang panlabas na itsura. Matagal ko ng nakasama si Prinsipe Gabriel sa iisang kaharian ngunit hindi ko inaasahan ang pag-aklas niya sa sariling pamilya.

"Ama, narito na kami." Sa tingin ko'y hindi na nakapaghintay pa si Prinsipe Gabriel kaya't siya na mismo ang nagtulak ng busol.

Binitawan ko ito saka tumingin ng diretso sa loob. Madilim ang paligid at tanging ang mga kawal na nakapalibot sa gilid ang aking nakikita. May malaking tela na nakaharang sa gitna ng silid habang may dalawang anino na nasa loob.

Isang lalaki na nakatagilid kung umupo habang ang babae sa gilid ay maayos na nakaupo paharap sa amin.

"Lumabas ang lahat maliban sa prinsesa."

Agad na sumunod ang lahat nang marinig ang utos. Lumuhod muna sila upang magbigay pugay bago dali-daling lumabas. Naiwan si Prinsipe Gabriel at Krysta saka ito lumuhod at tumalikod sa amin.

Tumigil si Prinsipe Gabriel sa tapat ng pinto bago nagsalita, "Maligayang pagbabalik, aking kapatid."

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. A-Anong ibig niyang sabihin? Ako ba ang tinutukoy nitong kapatid? Paano?

Nais ko sana itong habulin nang tumikhim ang hari sa likod ng tela. Lumapit ako sa kinaroroonan nila bago marahang hinawakan ang tela na may guhit sa gitna. Ito ang naghahati sa aming pagitan at siyang magbibigay kasagutan sa lahat ng aking katanungan.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Where stories live. Discover now