Kabanata XLIII. Pagsalakay

72 35 0
                                    

Emperador Kalid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Emperador Kalid

"Kayo, dito." Halos sabay kaming tumakbo papunta sa kweba kung saan kami madalas magkita tuwing sasapit ang kaarawan niya.

Sa ganitong seremonyas lamang kami nagkikita sapagkat ang aking ama at ina ang siyang kinuhang tagapaggawa ni Haring Himalaya ng mga uniporme at bestida ng kaniyang pamilya tuwing may kaarawang magaganap.

Nakarating din kami sa wakas sa tapat ng kweba kung saan ang tanging pagpatak lamang ng mga tubig pababa ang maririnig.

"Kayo, hindi mo ba talaga sasabihin sa akin ang tunay mong ngalan?" Magkahalong pagtataka at pagkainis ang nakabalatay sa mukha nito.

"Ikaw ang nagbigay ng pangalan sa akin kaya't iyon ang gagamitin ko." Ngumiti ako sa kaniya kahit na mga mata ko lamang naman ang makikita niyang naglalahad ng tunay na emosyon ko.

"Ngunit dahil iyon sa hindi ko kagustuhang higitin lagi ang iyong pulsuhan tuwing tatakas tayong dalawa upang magtungo dito. Hindi ko nais tawagin ka bilang tela kaya't ang isa pang tawag na lamang nito ang pinili ko."

Nagkibit-balikat ako sa kaniyang sinabi. Wala akong balak ipaalam ang tunay kong pangalan sapagkat pinahahalagahan ko ang bigay nitong pangalan sa akin.

"Nakita mo na ba ang suot mong bestida para sa kaarawan mo kinabukasan?" Sinubukan kong ibahin ang usapan upang mawala ang atensyon nito sa pangalan ko na siyang ikinawiksi ng interes ni Beatrice.

"Hindi pa, tiyak kong babagay at maganda ang pagkakahabi ng iyong ina sa aking bestida kaya't hindi ko na kailangan pang tingnan iyon."

Ngumiti ako sa naging papuri nito. Mabuti na lamang at hindi pa nito nakikita ang aking handog sa kaniya. Hindi ako makapag-isip ng magara at naiibang regalo sa kaniyang kaarawan kaya't ang hinabing amapola na lamang sa dibdib nito ang tanging nagawa ko para sa kaniya.

Nagpasiya kaming maupo hindi kalayuan sa loob ng kweba. Bumubuhos na naman ang ulan sa Hilaga kaya't sigurado akong kaunting galaw lamang namin ay maririnig kami ng mga paniki sa loob.

"Siguraduhin mong tititigannan mong maigi ang susuotin mo bukas ha." Nakatingin ako sa kaniya nang bigla itong lumingon sa akin na siyang ikinagulat ko. May kalapitan ang aming mga mukha kaya't ibinalik ko ang aking tingin sa kagubatan.

"Nakaukit ba doon ang iyong handog para sa akin?" Agad na nanlaki ang aking mga mata sa narinig.

Bakit ba napakamapagmasid ng prinsesang ito? Lahat ng handog ko'y agad niyang nahuhulan dahil lang sa isang usal ko.

"Hmm. Maligayang kaarawan, Beatrice." Ngumiti ako nang makitang gumuhit ang masayang ngiti nito sa labi.

"Ika-limang taon na nating magkita. Akala ko'y hindi ka na makakarating dahil sa iyong pagsasanay. Ikaw lamang ang tanging kaibigan ko kaya't hindi magiging masaya ang aking kaarawan kung hindi kita makakasama."

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon