Kabanata XLVI. Nararapat

70 30 0
                                    

Prinsesa Beatrice

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Prinsesa Beatrice

"Beatrice, gumising ka."

Imulinulat ko ang aking mga mata sa paggalaw ni Kalid sa aking katawan. Nakahiga ako sa sementong hindi dinadaluyan ng tubig galing sa kweba kaya't mabilis akong tumayo.

Humilab ang sakit sa aking ulo nang unti-unti kong alalahanin ang pangyayari bago ako mawalan ng malay. Sa aking pagkakatanda ay nagtungo ako sa labas ng kweba upang kumuha ng halamang gamot para sa sugat ni Kalid.

Agad akong lumingon sa kaniyang braso na ngayong may nakadikit na halamang gamot habang pinaiikutan ng tela. Pinakiramdaman ko ang aking sarili habang matamang nakatingin sa aking harapan.

Habang sumasakit ang aking templo'y may mga alaalang rumaragasa sa aking isipan. Hindi ko mawari kung tunay nga ba ito o gawa-gawa lamang ng aking imahinasyon ngunit base sa mga nakita kong imahe ay may batang lalaki akong nakilala nang araw ng aking kaarawan hanggang sa mawala ito isang taon bago bumagsak ang aming kaharian.

Hindi ko makita ang buong mukha nito sapagkat malabo ang naging imahe nito sa aking isipan. Pilit ko mang alalahanin kung ano ang kaniyang katauhan ay walang pumapasok sa aking isipan kung sino ito.

"Beatrice, kailangan na nating umalis. Hindi ligtas ang kwebang ito sapagkat madaling makikita ang -"

Naputol ang kaniyang nais sabihin nang titigan kong maige ang kaniyang mukha. Batang lalaking may itim na tela na nagtatakip sa kaniyang mga bibig. Ang malumanay nitong boses tuwing naglalahad ng kwento. Ang banayad na paraan ng paghawak nito sa akin tuwing magtutungo kami sa isang kweba sa Hilaga.

"Kayo..."

Bakas ang gulat sa kaniyang mga mata sa narinig. Rinig ko ang paglunok nito bago huminga ng malalim. Iniwas nito ang tingin sa akin kaya't hinawkan ko ang kaniyang mga baba upang ibalik ang tingin sa aking mga mata.

"Kay tagal mong naalala ang aking katauhan, aking prinsesa."

Bakas sa tono nito ang pagkadismaya sa aking tinuran kaya't dahan-dahan kong itinaas ang aking mga kamay patungo sa kaniyang tela.

Hindi nito pinipigilan ang aking mga daliri sa paglapat dito kaya't marahan kong pinakiramdaman ang kaniyang reaksyon nang ibaba ko ito.

"Kahinaan ang magiging hantungan kung ibababa mo ang telang iyan. Hindi ko nais ipakita sa iyo ang isang mahinang ginoo gaya ko."

Binigyan ko siya ng masuyong ngiti nang makita kong muli ang kaniyang mukha. Marahan kong hinaplos ang pilat niya sa ilalim ng kaniyang mga labi bago niya inilihis ang kaniyang mukha.

"Hindi nakababawas ng pagkalalaki ang pagiging mahina, Kalid. Ito'y tanda na kailangan pa nating magpursige upang makamit ang nais natin. Ang kahinaan ang isa sa nagpapalakas sa atin kaya't hindi mo dapat ikahiya ang bagay na ito. Hindi sa akin,"

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Where stories live. Discover now