Kabanata XXXVII. Lihim

94 38 0
                                    

Prinsesa Plomera

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

Prinsesa Plomera

"Tapos na ang ating aralin, nawa'y may natutunan kayo mula sa akin." Ngumiti amg lahat at nagbigay pugay kay Maestro Marco matapos nitong magpaalam sa amin.

Simula nang madakip si Prinsesa Beatrice ay si Maestro Miguel ang pumalit bilang aming guro. Walang nakakaalam ng tunay na pangyayari sapagkat pinanatili itong tago ni amang hari.

"Nasaan na kaya si Prinsesa Beatrice? Gusto kong ipakita sa kaniya ang bago kong natutunan." Lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig na ito.

Kapapasok pa lamang ni Keyla sa silid kung saan kami nag-eensayong humawak ng espada. Napilitan kaming turuan ang sarili namin kung paano humawak nito sa pamamagitan ng ibinigay na libro ni Prinsesa Beatrice.

"Huwag kang mag-alala, alam kong ibabalik siya ni Prinsipe Charles sa kaharian." Matipid akong ngumiti sa kaniya bago inihanda ang aking sarili sa pag-eensayo.

Gusto kong tumulong sa paghahanap kay Prinsesa Beatrice ngunit alam ko sa sarili kong delikado ang magiging desisyon ko. Wala pa akong sapat na lakas upang maibalik si Prinsesa Beatrice sa kaharian kaya naman ang kailangan kong gawin sa ngayon ay mag-ensayong mabuti.

"Ahh!" Tinitigan ko si Keyla na nakatayo sa harap ng limang kahoy habang  hawak ang kaniyang espada.

Malaki ang pinagbago nito sa paghawak ng espada. Ngumiti ako nang makitang naputol niya ang dalawang kahoy habang nasa gitna ng pangatlong kahoy ang talim ng kaniyang espada.

Bakas sa kaniyang mukha ang sakit mula sa paghawak ngunit mahigpit niyang hinawakan ang dulo nito upang hindi mahulog ang hawak nito sa dulo ng espada.

Kumuha ako ng tela bago binasa ang kalahati nito. Nang makitang naayos na ni Keyla ang ginamit niyang mga kahoy at espada ay lumapit ako sa kaniya bago marahang kinuha ang kaniyang mga kamay.

"Ah, maraming  salamat Plomera." Tumango ako sa kaniya bago ipinagpatuloy ang pagpupunas ng kaniyang mga kamay.

Inaamin kong simula nang makita ko siya noon ay hindi ko nagustuhan ang kaniyang ugali. Alam kong lumaki ito bilang isang dugong bughaw kaya naman inakala kong agad itong susuko sa gitna ng aming pag-eensayo ngunit ngayong nakikita ko ang maliliit na sugat sa kaniyang mga kamay dahil sa walang tigil na pag-eensayo ay napalitan nito ang aking akala.

"Apat na kahoy na ang kaya mong putulin, Plomera. Kailangan kong mag-ensayo ng mabuti upang makahabol sa iyo." Tinitigan ko ang kaniyang mukha at napangiti nang makita ko ang determinasyon sa kaniyang mga mata.

Saka ko naalala ang naging sagot nito noong siyang nagpapakilala. Gusto niyang maging isang katulad ni Prinsesa Beatrice na isang magaling na kawal kahit na isa itong binibini at prinsesa. Sa mga mata ni Keyla, nakikita ko ang inspirasyon nitong maging mahusay sa paghawak ng espada gaya ni Prinsesa Beatrice.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें