CHAPTER 38

101 11 0
                                    

●●●●●

Maaga kaming nagising ni Adi para maghanda ng almusal. Kailangan ko din pumasok ng umaga ngayon dahil may schedule ako ngayon sa operating room. Walang pasok si Traven kaya naisipan ng dalawa na dito nalang tumambay sa opisina ko.

Nasa playroom sina Adonis at Traven. Hinayaan ko nalang silang magkukulitan doon sa loob para naman makapag focus ako dito sa binabasa kong file ng pasyente. Nagpatawag na din ako ng meeting kanina sa mga team ko at natapos din ito ng maaga.

"Doc, ano po ba ang case ng pasyente ngayon? Pansin ko kasi kanina mo pa 'yan binabasa simula nung ibinigay ko sayo ang file." Tanong ni Laxus.

"It says here that the patient has a Myocardial infarction." Sagot ko.

Tumango lang si Laxus at lumabas na ng opisina ko. Kanina ko pa talaga binabasa ang information ng condition ng pasyente. Hindi kasi ako makagpukos. My thoughts are preoccupied. Kanina pa kasi ako kinakabahan dahil ngayon na araw kung saan magkikita na ang anak ko at si Trevor.

"Ang lalim ng iniisip mo a. Okay ka lang ba?"

Napakurap ako ng marinig ko ang boses ni Adi. Nilingon ko siya at naglakad siya papalapit sa akin. Sinikop niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pang tulala diyan? Are you hungry?"

"Yup! I'm perfectly fine. Kinakabahan lang ako para kay Traven."

"Bakit naman kinakabahan ang Vivi ko? Wala ka naman dapat kasing ipag-alala. Everything will be fine, I promise. Mag focus ka na lang dahil may operasyon ka pa ngayon, remember?"

"Okay. Thank you, Adi." Ngiti ko

Yumuko siya ng kaunti para mahalikan ako. "You're welcome, Vivi."

Bumalik na siya sa loob ng playroom at narinig ko ulit ang mga tawanan ng dalawan. How cute. Nakakawala talaga sila ng pagod. Binasa ko ulit ang case information at sinigurado ko na papasok na ito sa utak ko.

Pagtapat ng alas otso ay tumayo na ako mula sa upuan at hinubad ang mga suot kong alahas. Pumunta ako playroom at sinandal ng likod ko sa doorframe. Nakita ko ang dalawa na nagsusubuan ng doughnut sa isa't-isa.

"Hey." Tawag ko at napalingon silang dalawa.

"Bakit po, mommy?"

"Pupunta na ako ng operating room, anak. Adi, bantayan mo muna si Traven habang wala ako."

"Ako na ang bahala dito, pumunta ka na doon para makapagbihis ka na din. Best of luck, sweetheart."

Lumapit ako kay Traven at hinalikan siya sa noo. "Huwag ka masyadong makulit baka mapagod si daddy. Mommy will be right back."

"Paano ako, Vivi? Wala din ba akong kiss diyan?" Paglalambing ni Adi.

"Aysus! Hinalikan mo na ako kanina, hindi pa ba sapat 'yon?"

"Hmmm... Hindi e, nabitin ako. Kiss mo ako dali." Ngisi niya. Umirap ako ng pabiro sa kanya at yumuko ng kaunti para mahalikan siya.

"Masaya ka na?" At tumango siya ng parang bata. Jusmiyo marimar!

Pagkalabas ko ng opisina ay naglakad na ako patungo ng elevator at sumakay. Nang tumunog na ang elevator at bumukas na ang pinto nito ay lumabas kaagad ako at tumungo sa locker room para magbihis ng scrubs at bouffant cap.

Pagdating ko ng operating room ay naghugas ako ng maiigi ng aking kamay at braso para mawala ang bacteria na kumapit dito. Itunuyo ko ang mga kamay ko at pumasok na sa loob. Agad isinuot sa aking ng circulating tech ang aking surgical gown tsaka tinali ito sa baywang ko at isinuot din ang gloves ko.

THE SCARS SHE LEFT BEHINDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora