CHAPTER 9

121 19 0
                                    

●●●●●

For the past two days of work ay busy ako, doing the same routines like gumising ng maaga para mahanda ng breakfast para sa amin ni Traven, ihatid siya sa school, gagawa ng paperworks sa office ko, attend meetings about the branch hospital na ginagawa sa Cebu.

Adonis didn't break his promise. Even though that he is swamped because of the project sa Cebu ay hindi niya parin kami nakakalimutan. He keeps on checking me and Traven all the time. Asking sort of questions like kumain na ba kami. He keeps in touch with us despite of the long distance between us.

He calls or texts me during working hours just to check me kung kamusta na ako or kumain na ba ako ng lunch. Parang routine niya na ang pagpapadala ng paborito kong bulaklak sa opisina ko.

Video call naman sa gabi dahil magtatantrums si Traven kapag hindi niya nakikita si Adonis. Hinahayaan ko lang sila na mag uusap at magkukulitan. Traven easily get attach to a person when he can sense that person likes him.

I'm on my way sa ICU with the other doctors para kamustahin ang pasyente na inoperahan namin noong nakaraang lunes. Pagdating namin ay nakita din namin yung patient.

Nakahiga parin siya at nagpapahinga, we told her and her guardian na hindi muna siya pupwede na mag exert ng force and to move a lot dahil fresh pa ang tahi ng patient. Much better for her to lay on the bed nalang muna.

Dr. Brandon told her to use the special soap that we recommended for her. It kills the bacteria and will lessen the chance of having infections. It may be expensive but mas maganda na yung maging maingat at sigurado.

Napatingin ako wrist watch ko at nagpaalam na aalis ko. Bumalik ako sa opisina at tinanggal ang white coat ko tapos isinampay ito sa wooden rack.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng opisina. Wala ngayon si Laxus dahil nagpaalam ito na hindi muna papasok sa trabaho dahil may lagnat ang anak niya at walang magbabantay sa bata.

Wala naman ako masyadong ginagawa ngayon kaya okay lang. My schedule for today is not that heavy and pupunta ako ngayon sa restaurant para tumulong.

Lumabas na ako ng opisina ko at pumasok sa elevator. Pagdating ko sa parking space at agad ko pumasok sa loob ng kotse. Inilagay ko ang bag ko sa bakanteng upuan sa tabi ko at pinaandar ang sasakyan.

Susunduin ko muna si Traven sa school dahil half day lang naman palagi ang classes niya. Pagdating ko sa school ay dumiretso ako kaagad sa classroom niya, malapad ang ngiti ni Traven nang makita niya ako at tumakbo papalapit sa akin.

Yumuko ako ng kaunti para halikan sa pisngi si Traven at ganon din ang ginawa niya. Kinuha ko ang bag sa likod niya at hinawakan ang kamay niya.

"Let's go baby" sabi ko at nalakad na kami patungo sa parking space

Binuksan ko ang pinto ng front seat at pumasok si Traven. Nag thank you si Traven bago ko isinara ang pinto at umikot sa kabila. I place my bag and Traven's bag at the backseat at binaling ang sarili ko sa harap. Pinaandar ko na ang kotse at nag drive patungo sa restaurant.

Pagdating namin sa restaurant at ibinigay ko sa valet ang susi at pumasok ng tuluyan. Dumiretso kami sa opisina kung saan nandoon si mommy, kumakain.

Agad naman nag punas si mommy ng bibig niya gamit ang tissue at tumayo. Mabilis siyang nalakad papalit sa amin at niyakap ako.

"Oh my God! Vy, anak, what brings you here?" tanong ni mommy saka yumuko para yakapin si Traven.

"I come here para tumulong sa kitchen, wala din naman ako gagawin sa hospital, maaga kong natapos ang mga paper works" sagot ko at inilapag sa maliit na couch ang bag namin

THE SCARS SHE LEFT BEHINDजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें