CHAPTER 23

87 12 0
                                    

●●●●●

Today is Doctor Elizabeth's birthday and we did a little celebration kaninang lunch. Ngayon ko lang nalaman na engage pala si Elizabeth at si Larson. Nagtampo lang ako ng kaunti dahil hindi man lang sinabi ni Larson sa akin na sila pala ni Eliz.

Hindi matutuloy ang party sa condo ni Eliz dahil naisipan nila na bahay ito igaganap, sabi niya kasi sa amin may swimming pool daw si Larson sa likod ng bahay niya. Mabuti nalang pwede kong isama si Traven dahil isasama din ni Laxus si Leo.

Habang nag iimpake ako mga damit na gagamitin namin ay kausap ko si mommy ngayon sa telepono para magpaalam sa kanya na whole night kami kina Larson.

"Yes mommy, Laxus will be there and isasama niya ang kanyang anak" sabi ko

"Mabuti naman kung ganon, huwag mo hayaan si Traven na magbabad masyado sa pool"

"Don't worry mommy, ako na ang bahala sa anak ko"

"O siya, mag ingat kayo and have fun"

"Yes, mommy, we will"

"Okay good, I love you sweetie"

"I love you too mommy" sabi ko at binaba na ang tawag

Nakaupo lang si Traven sa gilid ng kama habang minamasdan akong nag aayos ng mga gamit na kakailanganin namin. Doon kami sa bahay ni Larson magpapalipas ng gabi dahil siya na mismo ang nagsabi sa amin. Marami naman daw ang guestrooms doon sa bahay niya.

"Are you excited to see mommy's friends?" tanong ko kay Traven.

Tumango si Traven at ngumiti. "Opo mommy, I can't wait to see Leo" sabi niya

Napatingin ako sa orasan and it it nearly 7 o' clock in the evening. Inilagay ko na ang strao ng duffle sa balikat ko at lumabas na kami ng anak ko sa kwarto. Hindi naman gaano ka dami ang dinala kong damit dahil isang gabi lang naman kami doon.

Pagpasok namin sa loob ng sasakyan at inilagay ko sa backseat ang duffle bag. Ikinabit ko at seatbelts ko at kay Traven. Pinaandar ko na ang makina at nag drive patungo sa bahay nila ni Larson.

Pagdating namin ay pinark ko ng maayos ang sasakyan ko at lumabas na kami. Pagpasok namin sa bahay ay sinalubong kami ni Larson.

"Hi Tito Larson" bati ni Traven at binuhat siya ni Larson

"Oy! Ang laki mo na, tara sa swimming pool" sabi ni Larson at sumunod lang ako sa kanya

Nang makapunta kami sa likod ng bahay ay umalingawngaw ang music at may disco lights din na nakapatong sa lamesa. Nakita ko sila Guilla, Brandon, Jess, Eliz na naliligo sa pool habang nagtatawanan. Nakaupo sa sun lounger si Laxus at ang kanyang anak na Leo, sinusubuan ng anak nito.

"Hi Vy!" sabay nilang sabi at kumaway, kumaway din ako sa kanila at ngumiti.

Malapad ang ngiti ni Eliz ng makita niya ako at agad naman na umahon sa pool, kinuha niya ang tuwalya sa sun lounger at pinatuyo ang sarili. Sinalubong ko siya at nakipag beso sa kanya.

"Happy Birthday Eliz" bati ko sabay abot sa kanya ng regalo

Napaawang ang bibig niya at niyakap ako. "Oh my! Thank you so much, Vy!" sabi niya at kinuha sa kamay ko ang regalo niya

"Kita niyo to? Mabuti pa si Vy may regalo sa akin" sabi ni Vy at pinakita ang regalo ko sa kanya

"Hoy! Ako kaya ang nag ambag ng mga alak na iinumin natin" sigaw ni Brandon, inirapan lang siya ni Eliz

"Hi baby, kamusta na ang baby boy namin?" tanong ni Eliz at pinisil ang pisngi ni Traven

"Okay lang po, Tita Eli" sabi ni Traven

THE SCARS SHE LEFT BEHINDWhere stories live. Discover now