CHAPTER 14

111 15 2
                                    

●●●●●

Pagkatapos ng isang linggo na bakasyon sa Surigao ay kailangan namin umuwi pabalik ng Maynila. Balik trabaho na naman ulit at papasok na si Traven sa school ulit. Balik na naman sa dating gawi. Comeback kami ni stress at hindi siya makapag antay na pahirapan ako.

Maaga akong nagising para magluto ng almusal at nakabihis na din kami ni Traven. Nakaupo na siya sa dining table at naghihintay na maluto ang pagkain namin. Simple lang ang suot ko ngayon, royal blue long sleeve turtle neck and white pants paired with white platform heels.

Pagkatapos namin kumain ay naghugas ako ng pinagkainan namin at lumabas na ng bahay. Gaya ng dati ay ihahatid ko muna si Traven sa school niya bago sa hospital. Hinatid ko hanggang classroom si Traven pero hanggang sa labas lang,  yumuko ako ng kaunti para halikan siya sa noo.

"Be good and listen to teacher, okay?" sabi ko

"Opo mommy" sabi niya

Kinawayan ko siya at pumihit na ako paalis. Pumasok ako ulit sa sasakyan at pinaandar ang kotse tapos pinaharurot na patungo sa hospital. Pagdating ko sa hospital ay binati ako ng mga kilala kong doktor at nurse. Pumasok ako ng elevator at pinindot ng floor number kung saan ang opisina ko. Nang bumukas ng pinto ay agad akong lumabas, sinalubong ako ni Brandon at ng iba pang kaibigan kong doktor.

"Well look who is back" ngiti ni Brandon

"Ang puti mo pa nung umalis tapos ang itim mo na" sabi ni Doc Guilla

"Hindi naman ako gaano ka itim a, it's what we called tan skin" tawa ko

"It's okay, babalik din yan but it takes two weeks or more dahil isang linggo ka nagbabad sa araw" sabi ni Doc Elizabeth

"We'll see you at lunch later, Doc Guillermo" sabi ni Brandon at tumango lang ako

Naglakad ako ulit papunta sa opisina ko at binati ako ni Laxus. Pagpasok ko ay inilapag ko ang bag ko sa ilalim ng desk ko at pumasok si Laxus para ibigay ang schedule ko para sa ngayong araw. Pinagtimpla din ako ng kape ni Laxus and he gave me few information about Ms. Dayanan's current situation.

While doing some paperworks ay biglang tumunog ang phone ko sa desk. As I check the caller, Mom's name flash in the screen.
Binaba ko ang ballpen ko at isinandal ang likod sa upuan bago ko sinagot ang tawag.

"Hey mom, napawatag ka" sabi ko

"Are you free tonight?" Tanong niya

"Wala naman, why? You want to go somewhere?" tanong ko pabalik sa kanya habang nilalaro ko ang ballpen ko sa daliri ko.

"Just a family dinner, sweetheart. We'll see you at the Crestview Restaurant. 9 pm" sagot niya

Mabuti nalang at wala ako schedule sa operating room ngayon kaya okay lang sa akin.

"Oh sure mommy, we'll see you there" sabi ko at binaba na ang tawag. I set my phone back to my desk and finish my work.

I glance at the clock on my desk and out down the pen, kinuha ko ang wallet ko at phone sa bag at lumabas ng opisina.

"I'm going out for coffee" sabi ko kay Laxus at tumungo sa elevator

Pagkalabas ko ng elevator ay tumungo ako sa parking space at pumasok sa sasakyan ko. I push the key to the ignition and buckle my seatbelts. Inayos ko ang rearview mirror and drive towards the nearest coffee shop. Pagpasok ko pa lang sa coffee shop ay binati na ako ng mabango na aroma ng iba't ibang klase ng kape.

As I took my order ay humanap ako ng magandang pwesto malapit sa bintana kung saan tanaw ko ang mga magagandang bulaklak sa labas. I dug my hands inside my pocket and pulled out my phone. Checking my social media accounts para libangin ang sarili ko.

THE SCARS SHE LEFT BEHINDWhere stories live. Discover now