CHAPTER 31

95 10 1
                                    

●●●●●

We are on our way to Calajoan, Minglanilla where the Anjo World Theme Park is located. Habang nagmamaneho si Adonis ay panay naman ang tanong ng anak ko sa kanya.

"Are we there yet, daddy?" tanong ni Traven, this is the seventh time na tinanong niya si Traven.

"Not yet, anak. Nasa Pardo pa tayo e" sagot ni Adi habang ang mata niya ay nakapukos sa daan.

"Malayo pa ba ang Minglanilla?" tanong ko kay Adonis

"Yes, sweetheart. The calculation of travel time is 1 hour to 1 hour and half. Malayo pa talaga tayo but don't worry, we'll get there" Ngiti niya at hinawakan ang hita ko habang ang isa niyang kamay ay nasa manibela.

"Daddy, I'm so excited to ride the ferris wheel"

"Oh? Sigurado akong mag eenjoy ka sa ferris wheel anak, sulit ang sampung mo doon sa loob"

"Oh? Sampung minuto? That's a long ride" sabi ko

"Yup! 10 minutes ride. Did you know the anjo eye is 200 feet high, much taller than the Leaning Tower of Pisa and Christ the Redeemer statue from Brazil"

"What? Mas mataas pa sa dalawang binanggit mo? Paano mo naman nasabi?" gulat kong tanong

"When you converted the Anjo eye's 200 feet into meters the result will be 60.96 meters. The Leaning tower of Pisa has 187 feet high and when you convert it to meters, as a result of 57 meters. While Christ the Redeemer statue has 125 feet high and when you convert it, the measurement of the meters will be 38"

Tumango lang ako sa kanya kahit wala naman akong naintindihan sa mga paliwanag niya. Basta ang mahalaga mas mataas pa ang Anjo eye kaysa sa dalawa. Wala naman kasi akong alam diyan sa engineering wizard niya e. Doktor po ako.

"Ano pa ang alam mo tungkol sa Anjo World?"

"Hmm...as far as I remembered, the theme park features different theme zones based on the different continents of the world"

"Talaga? What are those?"

"Those are Europe, Asia, America and Africa"

"All in one setting? Ang laki naman pala ng Anjo World, excited na ako! Malapit na ba tayo?"

"We're almost there, sweetheart. Get ready for the extraordinary adventure"

Pagdating namin sa Anjo World ay pinarada ni Adonis ng maayos at lumabas na kami. Napanganga ako sa nang makita ko ang ferris wheel, grabe ang taas naman pala talaga nito. Parang mababali naman ang leeg ko sa katingala. Hindi pa nga kami nakakapasok sa loob ay maririnig mo na ang mga sigaw ng mga tao sa loob.

Isinuot ni Adonis ang sling ng DLSR niya sa kanyang leeg at kinunan kami ng picture ni Traven. One of the personnel came towards us at nag offer na kunan kaming tatlo ng litrato, ang daming shots nun at nagpasalamat kami sa kanya pagkatapos.

Pumila na si Adonis para bumili ng ticket namin habang hinihintay namin siya ni Traven sa labas ng entrance ng Park. Nang matapos na siya at tinulungan kami ng staff na ilagay ang wristband sa sa amin at pumasok na kami sa loob.

The moment when we officially step inside the Anjo World, I could already feel the excitement inside me. Ang daming mga rides and I can't wait to ride all of those. The ambiance is lively, warm and welcoming.

Kita ko rin sa mga mata ng anak ko ang tuwa at excitement. May lumapit na babaeng personnel sa amin at nag offer na kunan kami ng picture, binigay ni Adonis ang camera niya sa babae at tumabi si Adi sa akin. Tatlong shots ang ginawa at ibinalik ang camera kay Adi.

THE SCARS SHE LEFT BEHINDWhere stories live. Discover now