CHAPTER 32

81 12 0
                                    

●●●●●

Pagkatapos ng isang buwan na bakasyon sa Cebu ay lumipad na kami pabalik ng Manila. Tapos na ang mahabang pahinga at kailangan ko ng bumalik sa trabaho. Sunod-sunod din ang mga schedules ko sa operating room. Minsan, ginagabi na ako ng uwi dahil pumupunta pa ko sa restaurant para tumulong.

Adonis keeps his touch at tinatawagan niya ako from time to time para kamustahin kami ng anak ko. I'm not going to lie, nasanay akong kasabay sa paggising si Adi tuwing umaga at nalulungkot ako dahil kami lang ni Traven sa bahay. Ilang gabi ding umiiyak ang anak ko dahil sobrang miss niya na si Adi.

Traven is already in school. Maaga akong nagising para maghanda ng almusal namin. May schedule kasi ako  ngayon sa operating room at kailangan ko pumasok ng maaga dahil kailangan ko pang tapusin ang mga paperworks na hindi ko pa natapos kahapon. Ang dami kasi dahil isang buwan akong nawala sa hospital at nakatambak ang lahat ng iyon sa opisina ko habang nasa Cebu ako kasama si Adi at Traven para magbakasyon.

Kailangan ko din magbasa ng file ng pasyenteng ooperahan ko ngayon. Pinatawag ko na din ang team ko kanina para sa operasyon namin mamaya.

"Doc, ayaw niyo bang pumunta sa operating theatre?" tanong ni Laxus

"Bakit naman? Any special reasons?"

"Mag nag oopera kasi baka gusto mo maging isa sa mga spectator."

"I'll think about that. May schedule kasi ako ngayon sa operating room e."

"Ano nga ulit yung case ng patient?"

"Hypertrophic cardiomyopathy"

Lumabas na si Laxus sa aking opisina and as if it is my cue para maghanda. Tinanggal ko ang aking relo at iba bang suot kong alahas, nilagay ko sa loob ng bag ko at agad na pinusod ang buhok ko. Lumabas na ako ng opisina at tumungo sa elevator.

Pagkabukas ng pinto ng elevator ay agad akong lumabas at tumungo sa locker para magbihis. Nakasuot na ako ng scrubs at bouffant surgical cap. Lumabas na ako sa locker room at dumiretso sa operating room, habang naghuhugas ako ng kamay ay nakita kong pumasok si Brandon at nakasot na din siya ng scrubs at bouffant surgical cap. Tumabi siya sa akin at naghugas din ng kamay.

Nasa loob na ang pasyente kanina lang at kinakabitan na siya ng oxygen at iba pang mga machines. Nakahanda na rin ang mga operating equipments at nandoon na ang ibang kasama naming doktor para sa operasyon. Pumasok na kami ni Brandon sa loob at agad na isinuot sa amin ang surgical gown, gloves at masks.

Hindj kasi pwede na kami mismo ang magsuot ng mga iyon dahil iniiwasan namin ito na magkaroon ng bacteria at delikado ito kapag napunta ito sa pasyente. 

"Best of luck to all of us" sabi ko at tumango sila

Binigyan na ng anesthesiologist ang pasyente ng general anesthesia to ensure that the patient will be asleep and pain free through the whole surgery. Naghintay kami ng dalawang oras dahil matagal umipekto ang anesthesia sa pasyente.

"Scalpel." sabi ko at agad naman ito binigay sa akin. I made a 8-10 inch cut in the chest.

Hypertrophic cardiomyopathy or HCM, it is a condition in which the portion of the heart becomes thickened without an obvious cause. This results in the heart being less able to pump blood effectively. Complications include heart failure, irregular heartbeat, and a sudden cardiac death.

We need to perform the open-heart surgery or septal myectomy, it is done to relieve symptoms in people who remain severely symptomatic despite of having a medical therapy. This kind of operating procedure uniformly decreases the left ventricular outflow tract obstruction and improves the symptoms and in experienced centers has a surgical mortality of less than one percent, as well as 85 percent of success rates.

THE SCARS SHE LEFT BEHINDWhere stories live. Discover now