CHAPTER 7

161 20 1
                                    

●●●●●

Habang tinutuyo ko ang buhok ko gamit ang blower ay tumayo ako sa harap ng full view mirror ko. I'm wearing peach spaghetti strap top and a peach palazzo pants, paired it with white sneakers.

Nang natuyo na ang buhok ko ay sinuklay ko ito at hinayaan kong ilugay ang mahaba kong buhok. Tumingin ulit ako sa salamin at naglagay ng lipstick at mascara. I still remain as a fashionista type kahit na may anak ako, because why not? I'm a hot mommy!

Isinabit ko sa balikat ko ang LV bag ko at nandoon na sa loob ng bag ang mga kailangan ko. Such as my phone, wallet, mga susi, tissue, wet wipes, lipstick, polbo at iba pa na kailangan ni Traven.

Pagkababa ko ng hagdan ay nakita kong nagkukulitan sila Traven at Adonis sa sala. Tinawag ko sila at napalingon sa kinatayuan ko. Napaawang ang labi ni Adonis at ngumiti.

Tumayo silang dalawa sa sofa at kinarga ni Adonis si Traven. Lumapit sila sa akin at hinalikan ako sa pisngi ni Traven.

"You're beautiful, mommy" Traven giggled

"Thank you baby, ang guwapo mo rin. Sino pumili ng susuotin mo?" tanong ko

"Si Tito Adi po, mommy" sagot niya at niyakap si Adonis

Naka white polo at pants kasi si Traven at naka ayos din ang buhok. His hair was pushed back clean leaving small strands. Ganon din ang suot ni Adonis, matching sila ngayon at ako lang ang naiba.

"You look gorgeous as always" ngiting sabi ni Adonis na ikinapula naman ng pisngi ko

Nagulat ako nang pinagsiklop niya ang kamay namin at naramdaman ko ulit yung kuryente na dumaloy sa tuwing hinahawakan niya ang kamay ko.

Napatingin ko sa kanya at nginitian niyalang ako, bumaling ang tingin ko ulit sa kamay namin. Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi naman masyado magaspang ang kamay niya dahil randam ko parin ang lambot nito.

His hand is big and it is just perfect for me, it fits and it's like made just for me and his long fingers. Narinig ko siyang tumawa ng kaunti at sabay kaming lumabas ng bahay.

"Mas lalo kang gumaganda sa tuwing namumula ka" he chuckled

Binuksan niya ang backseat at piniwesto doon si Traven tapos ikinabit ang seatbelt nito. Pinagbuksan niya rin ako ng pinto sa front seat at nagpasalamat sa kanya bago ako pumasok sa loob. Umikot siya sa kabila ng sasakyan at pumasok sa driver seat, pinaandar niya ang kotse niya at nag drive.

Dinala kami sa mall ni Adonis, pagpasok namin ay panay ang mga tingin ng mga babae sa kanya, pasekreto nalang akong umirap dahil sa kanila. Yung iba ang sama ng tingin sa akin, kulang nalang ay papatyin ako.

Karga ni Adonis si Traven habang hawak niya sa kabila ang kamay ko. Hinayaan ko nalang siya dahil nasanay na din ako ng kaunti, wala din naman masama doon.

Nag shopping kami at ang dami kong pinamiling damit kay Traven. Binilhan ko rin ng damit si Adonis bilang pasasalamat ko sa kanya sa pag alaga niya kay Traven. Laki ng utang na loob ko sa kanya, sa lahat ng lalaking nakilala ko, si Adonis lang talaga ang hindi nandiri sa amin. Buong puso at walang bahid na pandidiri.

Yung iba kasi porket may anak na ko ay nilalayuan na ako. Ayaw daw nila sa may anak na, edi wag! Hindi naman ako namimilit! Ang gusto ko lang ay tanggapin nila ang anak ko. Ayaw ko na saktan nila si Traven.

Ang saya ko dahil nakilala ko si Adonis. Walang pagdadalawang isip siya at hindi siya nahihiya na kasama niya kaming dalawa ng anak ko.

Kumakain kami ngayon ng tanghalian sa restaurant at sinusubuan ni Adonis si Traven. Nanlambot ang puso ko habang minamasdan ko sila. Ang cute nila tingnan, habang abala sa pagsusubo si Adonis kay Traven ay pasekreto ko sila kinunan ng picture. Inilagay ko ulit ang phone ko sa bag at kumain.

THE SCARS SHE LEFT BEHINDWhere stories live. Discover now