CHAPTER 15

116 14 0
                                    

●●●●●

Pagkatapos mag antay ng isang buwan ay natapos na din. We are on our way ni Traven sa airport para sunduin si Adonis. Traven can't wait to see Adonis again and excitement filled the car, my son can't help but to sing in anticipation. Ang cute niyang pagmasdan.

"Are we there yet mommy?" tanong ni Traven

"Wala pa e, malayo pa tayo. Why don't you sleep muna and gigisingin ka nalang ni mommy kapag nandoon na tayo" sabi ko

"No, ayaw ko po" ngumuso siya

"Okay, how about eat something. I made sandwich kanina, I put it inside your bag" sabi ko

Binuksan ni Traven ang zipper ng bag niya at kinuha ang sandwich. Habang kumakain siya ay sinusubuan niya ako, ang sweet naman ng anak ko!

Nang makarating na kami sa airport ay hinihintay namin si Adonis sa labas ng arrival. Hindi nagtagal ang paghihintay namin at nakita ko kaagad sa labasan ang pamilyar na bulto na pangangatawan at masasabi kong si Adonis yon.

"Mommy! Tito Adi is here!" Traven jump out of joy

Nang makita niya kami ay malapad ang ngiti niya sa labi, kinarha ko si Traven at patakbong sinalubong namin siya. Binaba niya ang bitbit niyang bagahe at niyakap namin siya. Kinuha niya ang anak ko at kinarga ito habang pinapaliguan siya ni Traven ng halik sa pisngi. Niyakap ako ni Adonis at hinalikan ako sa noo na ikinagulat ko ito.

"I miss you Tito Adi" sabi ni Traven

"I miss you too buddy" ngiti ni Adi at pinisil ang pisngi ni Traven

Binaling ni Adonis ang kanyang tingin sa akin at ngumiti. Hinalikan niya ulit ang noo ko at hinaplos ng pisngi ko, agad naman uminit ang pisngi ko at umiwas ng tingin sa kanya, he let out a chuckle and it made my heart flutter.

"I miss you, Vivian" sabi niya

"I miss you too, Adi" ngiti ko sabay yakap sa kanya

Bumitaw ako sa pagkayakap at naglakad na kami papalit ng sasakyan. Binuksan ko ang likod ng sasakyan at ipinasok ni Adonis ang bagahe niya. Pumasok na si Traven sa backseat at kinabit ko ang seatbelts niya tapos isinara ang pinto.

Nagulat ako nang pumasok si Adonis sa driver seat kaya wala akong magawa kundi hayaan nalang siya at pumasok na din sa loob ng sasakyan.

"Would you mind if I stay in your house for two weeks?" tanong niya habang naka focus ang mata sa kalsada

"Okay lang naman, you can stay in my house as long as you want. I don't mind at all" sabi ko sabay lingon sa kanya

"Tito Adi, babalik ka pa po ba ng Cebu?" tanong ni Traven

"Kailangan ni Tito bumalik doon pero huwag ka mag alala, ipapasyal ko kayo hangga't nandito ako" sagot ni Adonis at lumingon saglit kay Traven tapos ngumiti

Pagdating namin sa bahay ay tinulungan ko si Adonis na ipasok ang mga gamit niya sa loob. Umakyat kami sa taas at iginiya siya sa kanyang kwarto.

"This is the guest room, may banyo na at nandiyan na ang mga bath essentials" sabi ko

"The room is simple but it's cozy" ngiti niya

"Magluluto lang ako sa kusina, bumaba ka nalang kapag tapos ka na mag ayos ng gamit mo" sabi ko at tumalikod sa kanya

Hahakbang na sana ako nang bigla niya ako hinawakan sa braso at hinila dahilan nang mapayakap ako sa kanya, Adi is hugging me. Nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya and I can hear his heart beat, ang bilis ng tibok ng puso niya. Nanigas ako sa kinatayuan ko nang maramdaman ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko.

THE SCARS SHE LEFT BEHINDWhere stories live. Discover now