CHAPTER 8

136 21 0
                                    

●●●●●

Habang kumakain kami sa hapagkainan ay nag uusap kami. Some are business talks and some are about family. They keep on talking about the hospital branch na pinapagawa ni daddy doon sa Cebu.

Kailangan ko maghanda sa susunod na mangyayari since nag uusap sila tungkol sa hospital. I'm sure na babanggitin si Adonis.

"Traven mentioned earlier na pumunta raw kayo sa Ocean Park kahapon at kumain kayo sa restaurant, is that true Vy?" tanong ni mommy

Ito na nga ba ang sinasabi ko e, hindi ako tantanan ni mommy ng mga tanong hanggang sa hindi ako mapapaamin.

"Uhmm...yes po mommy, ipinasyal kasi kami ni Engineer Vargas" sagot ko

"Engineer Vargas? One of the engineers na ipinapadala sa Cebu for the project?" tanong ni daddy

"Yes dad, he wants to spend some quality with us- I mean with Traven bago siya umalis papuntang Cebu" sagot ko

"Hmmm...I like Engineer Vargas, he's a good man" sabi ni daddy

"Kung alam mo lang Alfred, isinayaw siya ni Engineer Vargas sa party last Saturday. You should have seen them with your eyes, they look in love each other. He's our daughter's first dance, isn't that wonderful, honey?" Sabi ni mommy

Muntik ko nang maibuga ang juice na iniinom ko. Oh my God! Mommy! Bakit ba naman kasi ikinuwento ni mommy!

"Really? He danced you?" tanong ni daddy

"Yeah dad, sana nakita mo. Ang sweet nila sa isa't isa, kulang nalang ay langgamin kami sa kanila" sabi ni Arch

"Arch!" Saway ko

"Arch's right dad, umalis na ang lahat sa dancefloor pero nanatili silang dalawa doon" ngisi ni Damian

Pinagtulungan na nila ako. Katapusan ko na. On behalf, masaya din ako para sa pamilya ko, gusto nila si Adonis para sa akin. Everyone agreed at walang kumontra. This is what I love about my family, they were all supportive and they know how to accept.

"He likes Traven, Alfred. I can see it through his eyes and his actions, nakita ko kung gaano siya kasaya noong sa party. He likes the kid and he likes Vy too. Buong puso niyang tinanggap sila ni Vy at Traven. Walang bahid ng pandidiri o kahit anong negatibo, pagmamahal ang nakita ko sa kanya" sabi ni mommy

"Well, that explains" ngiti ni daddy

"Explains what?" nagtatakang tanong ko

"I saw you smiling habang kinikuwento ng mommy mo si Adonis. I know you like him from the start, I saw the way how you look at him nung nasa meeting tayo. I know you adore him and I know that he adores you too. Trust me sweetheart, I can tell when a man is in love with a woman" sabi ni daddy

Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa sinabi ni daddy. Thank you God for giving me this wonderful family. Their words are overwhelming. 

Nagpapatuloy sa kami sa pagkain at nag usap. Ito yata ang pinakamasaya na family reunion namin.

Nang matapos na kaming kumain ay tinulungan ko na si mommy na magligpit ng mga pinagkainan namin. Mommy packed the lasagna for us kapag umuwi na kami, nagbalot na rin siya ng mga tirang pagkain para iuwi namin.

"Here, para sa inyo yan" sabi ni mommy at binigay sa akin ang paper bag na may mga tupperware, mga tirang pagkain kanina.

"Thank you, mommy" sabi ko at niyakap siya

Niyakap ni mommy si Traven at hinalikan sa noo. Nagpaalam na kami kay mommy at kay daddy tapos pumasok na kami sa kotse. Inilagay ko sa backseat ang paperbag at ang bag ko. Pinaandar ko na ang kotse at nag drive pauwi.

THE SCARS SHE LEFT BEHINDWhere stories live. Discover now