CHAPTER 21

106 11 0
                                    

●●●●●

Lumipad na si Adonis pabalik ng Cebu at naiwan na naman kami ulit ni Traven dito. Gaya parin ng dati ay tinatawagan niya ako para kamustahin, video calls naman tuwing gabi at magkukulitan na naman sila ni Traven. Having a long distance relationship is hard but in my case ay kinaya ko, kinaya namin. Adonis keep his touch with us through texting and calling.

It's Saturday at nandito ako ngayon sa hospital. Traven is with me today at naglalaro siya ngayon sa playroom kasama ang anak ni Laxus. Since malapit na mag lunch ay tinawag ko si Laxus para magpadeliver ng pagkain. Wala akong dala na lunch ngayon dahil natagalan ako ng gising.

Tumayo ako mula sa swivel chair ko at tumungo ng playroom. Pagpasok ko ay nakita ko ang dalawa na nanonood ng cartoons. Tinawag ko si Traven ngunit nakapukos ang sarili nito sa pinapanood nilang cartoons ni Leo.

"Are you boys hungry?" tanong ko at lumingon ang dalawa.

"Opo mommy"

"Opo Tita Vivian"

"Okay, iligpit niyo na ang mga laruan niyo dahil dadating na ang pinadeliver nating pagkain" sabi ko at tumango lang ang dalawa.

Lumabas na ako ng playroom at nakarinig ng katok mula sa labas, binuksan ko ang pinto at pumasok si Laxus na dala ang pagkain na pinadeliver namin. Inabot ko ang bayad sa delivery guy at binigyan siya ng tip.

Habang kumakain kami ay narinig ko na tumunog ang phone ko. Tumayo ako at pumunta sa desk para kunin ito. Nang makita ko kung sino ang tumawag ay agad ko itong sinagot.

"Hey sweetie, mabuti naman at tumawag ka, kumakain kami ngayon ni Traven ng lunch" sabi ko at bumalik sa tabi ni Traven

"Hey sweetheart, mabuti naman at kumain na kayo. Sinong kasama niyo habang kumakain?"

"Don't be jealous, alright. Kasama ko si Laxus ngayon at dala niya din ang anak niya"

"I'm not jealous" agad na sabi niya

"Okay, anyways, kumain ka na ba?"

"Wala pa e, nagugutom na nga ako pero don't worry malapit na kaming mag lunch. Goodluck nga pala sa operasyon mamaya"

"Pagkatapos niyo ay kumain ka kaagad tapos huwag mo haayan na tuyuan ka ng pawis, magbihis ka kaagad ng panibagong polo"

"Ang sweet naman ng baby ko, kahapon ang sungit mo tapos ngayon ang sweet mo. May dalaw ka no?"

Agad naman uminit at pisngi ko sa sinabi niya. Oo, may dalaw ako kahapon kaya sinusungitan ko siya. It's not my fault. Kasalanan niya iyon dahil nang aasar siya.

"S-shut up! Wala ka ng pakialam doon!"

"Oh? Nagsusungit ka na naman?"

"Ikaw kasi e, tatawagan nalang kita mamaya"

"Okay sweetheart, ingat kayo diyan"

"Ikaw din, huwag mo kalimutan ang mga bilin ko sayo kung ayaw mo magkasakit. Wala pa naman ako diyan para alagaan ka"

"Don't worry, baby, ako na ang bahala sa sarili ko. Ingat kayo diyan palagi. I love you"

"I love you too, Adi" at binaba ko na ang tawag, muli ko sinubuan si Traven at ibinuka niya ang kanyanh bunganga

"Mommy, I miss Tito Adi" sabi ni Traven at kita ko ang namumuong luha sa gilid ng mata niya

"Don't worry, anak, babalik din si Tito Adi para makasama tayo ulit. Diba nag promise si Tito Adi na dadalhin niya tayo sa Cebu?"

Natuyo ang mga luha sa gilid ng kanyang mata at napalitan ito ng ngiti. Ginulo ko ang buhok niya at hinalikan siya sa pisngi.

"Wow! Kayo na pala ni Engineer Vargas?" tanong ni Laxus

THE SCARS SHE LEFT BEHINDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora