CHAPTER 26

91 10 0
                                    

●●●●●

After making love with him inside the bathroom ay sabay na kaming naligo. Ang sakit parin sa gitna ng hita ko, he slam me pretty good. Pagkatapos namin maligo ay pinatuyo namin ang aming mga sarili. Habang pinapatuyo ni Adi ang buhok ko gamit ang blower ay naglalagay ako ng moisturizer sa braso at binti ko.

Nang magising si Traven ay lumabas na kami ng kwarto at bumaba ng hagdan. Tumungo kami sa kami sa kusina at inupo ko si Traven sa stool chair ng counter island.

"Mommy, ano po ang niluluto niyo ni Tito Adi?" tanong ni Traven

Kumuha ng tinidor si Adonis at tinusok ang shrimp. Inihipan niya muna ito bago isinubo kay Traven.

"Masarap ba?" tanong ni Adi

"Ang sarap po! One more pa po, please" sabi ni Traven

"Okay, last na ha baka wala na tayong uulamin mamaya" tawa ko

Nang maluto na ang ulam ay naghain na ako ng pakain sa lamesa. Umupo na kami at nagsimulang kumain. Pagkatapos namin kumain ay nagligpit ako ng pinagkainan, si Adi na ang ang alok na maghugad ng pinggan at ako naman ang nagpunad ng lamesa.

Pumunta kami sa sala pala manood ng movies sa Netflix hanggang sa nakatulog na si Traven sa gitna naming dalawa. Pinatay ni Adi ang screen at kinarga si Traven. Pagpasok namin sa kwarto ay ginising ko ang anak ko para magsipilyo. Tumuntong si Traven sa upuan habang sinisipilyohan siya ni Adi. Nang matapos na kaming tatlo magsipilyo ay lumabas na kami ng banyo.

Nakapilig ang ulo ng ana ko sa balikat ni Adi habang hinihele niya ito para makatulog. Hindi ko alam pero ang sarap niyang pagmasdan habang ginagawa niya iyon. Napangiti ako sa kanilang dalawa. Adonis is a father material and I can't wait for him to be Traven's dad.

Nang makatulog na si Traven ay inihiga niya na ito at humiga na din kami sa kama. Pinapagitnaan ako ng dalawa. Habang sinusuklay ko ay buhok ng anak ko gamit ang aking daliri ay pinulupot ni Adi ang kanyang braso sa baywang ko. Tinalikuran ko ang anak ko para harapin si Adi.

"Thank you, Adi" I smiled and give him a peck

"Hmmm? For what sweetheart?" tanong niya

"For everything. For keeping your promise and turn it to real. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya at kaswerte ngayon. Ngayon ko lang ulit naranasan ang magmahal at ngayon lang ulit ako nakaramdam ng pagmamahal" sabi ko at hinawakan ang kanyang pisngi

"You deserve to be happy again, my love. Gagawin ko ang lahat para punan ang mga pagkukulang niya sayo. Ako ang magsilbing lakas mo at hindi kita hahayaan na masaktan. Ipagtanggol ko kayo at handa ako saluhin ang mga bala, maprotektahan ko kayo. Handa akong tumayo bilang ama ni Traven. Masaya ako dahil nakilala ko kayong dalawa, at binigyan ako ng pagkakataon na makasama kayo. Laking pasalamat ko sa Diyos na biniyayaan ako ng mga anghel na katulad niyo. I couldn't ask for more. I love you, Vivian"

Naramdaman ko ang mainit na likido sa aking pisngi. Hindi ko namalayan na umiyak na pala ko, hindi ito luha ng kalungkutan kundi luha kung gaano ako kasaya ngayon. Ang swerte namin ni Traven. I couldn't ask for more too. I'm so blessed to have a wonderful family, having good friends and having Traven, at ngayon mas nadagdagan pa ang biyaya ko. Adonis came into my life and he treated me like I deserve everything in this world.

"I love you too, Adi" sabi ko habang nagpapatuloy sa pag-agos ang aking mga luha.

Tinuyo niya ng mga luha ko at hinalikan ang aking noo. Sinikop niya ang aking pisngi at isiniil sa halik. Kumawala siya sa aking at pinagdikit ang aming mga noo. Niyakap ko siya at ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya. Sinuklay niya ng aking buhok gamit ang kanyang kamay at niyakap ako papalit sa kanya.

THE SCARS SHE LEFT BEHINDWhere stories live. Discover now