CHAPTER 18

98 13 0
                                    

●●●●●

It's been a week since Adonis arrived back here in Manila and he has still a week left to spend more time with me and Traven. I decided to go back to work dahil sa gusto ko. Ayaw nga pumayag ni Adonis na bumalik ako dahil hindi pa magaling ang paa ko at dahil sa nagpumilit ako ay pinayagan niya ako. Umuwi muna saglit si Adonis para magpalit ng sasakyan, hindi ko alam na dalawa pala ang kotse niya. Ang yaman niya.

Kumakain na kami ng almusal at aalis na kami pagkatapos nito. As soon as we are done ay tinulungan ko si Adi na magligpit ng hapagkainan. He made me a pack lunch at sandwich naman para kay Traven. Lumabas na kami ng bahay ay sumakay sa kotse. Ikinabit ko ng seatbelt ko at pumasok sa driver seat si Adonis. He insisted to drive me and Traven.

"Salamat sa paghatid." Sabi ko and give him a kiss on his cheek, tinanggal ko ang seatbelt ko at lumabas na ng sasakyan.

"Call me when you need anything." sabi niya nang maibaba niya ang bintana

"I will, Adi. Ingat sa pag drive." sabi ko at kinawayan siya bago pumasok sa loob ng hospital.

While on my way sa office ay binati ako ng mga kakilala kong nurse at doktor. Nang tumunog ang elevator ay bumukas ang pinto, agad ako lumabas at naglakad patungo ng opisina ko. Binati ako ni Laxus at pumasok na ako sa loob.

Isinuot ko ang white coat ko at umupo sa swivel chair, binuksan ko ang laptop para i-check ang schedule para sa ngayong araw, I have a schedule in operating room this afternoon. Habang binabasa ko ang file ng isang pasyente na ooperahan ko mamaya ay nakarinig ako ng katok sa pinto.

"Come in," sabi ko at binaba ang file

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Doctor Guilla at Doctor Brandon. Umupo sila sa mahabang couch at nakangiting aso ang dalawa. Ano na naman kaya ang trip ng mga ito?

"What do you want?" tanong ko

"Brandon and I saw you kanina, sino yon? Si Engineer Vargas ba 'yon?" Balik na tanong ni Guilla sa akin

"So, you come all the way here in my office para maki chismis? Walang ibang magawa?" irap ko

"We have eyes, Vivian, ikaw ang nakita namin e." Tumawa si Guilla

"Oo, si Engineer Vargas yung naghatid sa akin." sabi ko para hindi na mangungulit ang babaeng 'to.

"Ang yaman ni Engineer Vargas, hanep ang ganda ng Honda Civic niya a." sabi ni Brandon

"Wala naman sa sasakyan ang basehan, he earned a lot money kaya nakabili siya ng ganong klase na sasakyan. It's his dream car, I guess." sabi ko

"Akala ko nasa Cebu ang engineer mo dahil may project siya, anong ginagawa niya dito sa Manila?" Tanong ulit ni Brandon

"He's currently in a break" sagot ko

"Nga pala, bakit hindi ka pumasok ng isang linggo?" Tanong ni Guilla

"Nagka sprain kasi ako e, hindi pa nga magaling hanggang ngayon ang paa ko pero kailangan ko magtrabaho para sa anak ko." sagot ko

"Bakit? Anong nangyari? Ano na naman ba kasing katangahan ang ginawa mo?" tawa ni Brandon

"Grabe ka naman sa katangahan, natalisod lang naman ako a" irap ko

"Hindi ka na muna sana pumasok kung hindi pa magaling ang paa mo, alam mo ang bobo mo minsan" sabi ni Guilla

"Ewan ko sa inyong dalawa, umalis na nga kayo sa opisina ko." Pagtataboy ko sa kanila

"Oh siya, kailangan ko naman din umalis dahil may pasyente pa akong manganganak." sabi niya ni Guilla

THE SCARS SHE LEFT BEHINDWhere stories live. Discover now