CHAPTER 3

224 25 1
                                    

●●●●●

Pagkatapos kong ihatid si Traven sa school at nag drive na ako papuntang hospital. Habang nag d-drive ako patungo sa hospital ay mabilis kong inapakan ang break. Bumilis ang tibok ng puso ko at agad na lumabas sa kotse.


Muntik na akong madisgrasya, nag overtake kasi yung sasakyan ng sinusundan ko tapos nabundol niya ang isang Ducati na motor at tumilapon ito kaya agad akong napa preno dahil muntik ko nang mabundol ang sasakyan sa harap ko.


Nakahandusay ang lalaking nagmamaneho ng motor at wala itong malay. May sugat ito sa kanyang braso at dumudugo. Sigurado ako na nabali ang kaliwang braso niya. Walang ginawa ang ibang tao kundi manood.


Nakakainis! Nakikichismis lang pala ang mga tao at walang balak na tumawag ng ambulansya. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinawagan ang hospital na magpadala ng ambulansya.


Agad ko na nilapitan ang lalaki at chineck kung meron pa itong pulso. Huminga ako ng malalim nang malaman kong meron. Nahimatay lang siya dahil impact. Mabuti naman at naka helmet pa ito.


Ilang minuto ay dumating na ang ambulansya. Agad naman dinayo ang lalaki sa stretcher. Dumating na din ang mga pulis para imbestigan siguro ang nangyari.


"Dr. Guillermo, kayo pala yan" sabi ni Mark


"Ano po ba ang nangyari?" Tanong ni Ramon


"Mahabang kwento, ipasok niyo na siya para agad itong magamot, ikukwento ko nalang mamaya pagdating sa ospital" sabi ko


Ipinasok na nila ang lalaki sa ambulansya at umandar na ito ulit. May lumapit na pulis sa akin at ikinuwento ko ang nangyari.


"Maramang salamat po sa impormasyon, maam?" sabi nito at naglahad ng kamay


"Doctor Guillermo" sabi ko at nakipagkamay


"Sige po Doc, tatawagan nalang po namin kayo pag may balita na kami tungkol sa driver ng sasakyan na yun" aniya


Tumango ako at pumasok ulit sa sasakyan ko. Pinaandar ko ito at nag drive patungo sa hospital. Pagka park ko ng sasakyan ay dumiretso ako sa emergency room at hinanap ang lalaki na yun.


Nang mahanap ko siya ay lumapit ako kaagad sa hospital bed na hinihigaan niya. Nilapitan ako ng nurse at namukhaan ko kung sino, si nurse Jess.


"Kamusta na ang lagay niya?" Tanong ko


"Magkakilala po kayo, Doc?" Tanong niya


Umiling ako at ngumiti kay nurse Jess. Ibinalik ko ang atensyon ko sa lalaking nakahiga ngayon sa hospital bed. Pinagmasdan ko ang natamo niyang sugat at nagamot na pala ito.

THE SCARS SHE LEFT BEHINDWhere stories live. Discover now