CHAPTER 37

106 11 1
                                    

●●●●●

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. It's Trevor. Ang ama ng aking anak. Ang lalaking una kong minahal. Ang lalaking nang iwan sa akin. Ang lalaking iniyakan ko ng sobra.

Pagkatapos ng halos anim na taon ay nakita ko na din siya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong mararamdaman ngayon, pinaghalong saya, lungkot at galit. Nagpunas ako ng luha at saka lumapit sa kanya. Patuloy parin sa pag-agos ng luha ko at nanginginig ang aking mga tuhod.

"Kamusta ka na, Vivian?" Tanong niya at pilit na inabot ang kamay ko at hinawakan ito.

Hindi ko siya sinagot. Nananatili ang mga mata ko sa kamay niya na nakahawak sa akin. Kinagat ko ang aking ibabang labi at ngunit hindi ko mapigilan ang paghagulgol sa iyak.

"Is it really you?" Nanginginig ang boses ko habang tinaong iyon sa kanya.

Gusto ko lang masiguro na si Trevor nga itong nakikita ko ngayon. Namamayat siya at may mga machine na naka konektado sa kanya. Nangingitim ang kanyang balat, hindi na ito katulad ng dati na kay puti.

Hindi ako makapaniwala na siya nga talaga ang lalaking ito na nakahiga sa hospital bed. Nagpunas ako ng luha gamit ang daliri ko pero wala din itong silbi dahil patuloy ito sa pag agos.

"Kaya lang naman kita iniwan kasi ayaw kitang makita na masaktan."

"Ayaw masaktan? Trevor, sinaktan mo na ako. The moment you pushed me away ay nasaktan na ako ng sobra. You left me without telling me the truth. Hindi mo sinabi sa akin ang dahilan kung bakit ka umalis ni hindi mo sinabi sa akin kung saan ka pupunta."

"Hear him out, sweetheart." Narinig kong sabi ni Adi.

"I was broke that time. I was stuck between you and my mom. My mom needs me, she was in the last stage of lung cancer kaya siya ang pinili ko. Masakit man para sa akin na iwan ka pero mas kailangan ako ni mommy. Pagdating ko ng America, doon ko pa nabalitaan na wala na siya ni hindi ko man lang siya naabutan. I cut all of my connections to you dulot na rin ng depresyon. Paglipas ng isang taon, doon ko din nalaman na mas lumala na pala ang sakit ko pero pinilit ko parin ang sarili ko na umuwi ng Pilipinas para lang makita ka. Nang makita kita na pumasok sa hospital, gusto kitang habulin at yakapin ka ng mahigpit pero hindi ko iyon ginawa. Parang may kung ano ang pumupigil sa akin na hindi gawin iyon kaya ang pinapanood nalang kita sa malayo. I somehow realized na baka hindi mo na ako kailangan, baka kaya mo na ang sarili mo ng wala ako."

"Hindi mo alam kung gaano kahirap, Trevor. Nung araw na aalis ka ay susurpresahin sana kita na buntis ako pero hindi ko iyon nasabi sayo dahil kinain na ako ng takot kaya hindi ko iyon ginawa. Nahirapan ako sa pagbubuntis dahil wala ka sa tabi ko para alalayan ako. Mag isa kong pinalaki ang anak ko. Kinalimutan ko ang lahat, ibinaon ko na sa hukay ang mga alaala nating dalawa. Simula nung dumating si Traven sa buhay ko ay nabigyan ako ng dahilan para bumangon. Siya ang dahilan kung bakit ako malakas ngayon. Nagbago ang lahat nung dumating si Traven sa buhay ko."

Huminga ako ng malalim at tinuyo ang mga luha ko. Ang sakit ng puso ko at nahirapan na akong huminga dahil sa kakaiyak.

"I'm sorry kung iniwan kitang---"

"It's okay, Trevor. I finally understand. Kung ako din naman ang nasa posisyon mo ay mas pipiliin ko din ang mommy ko kahit na masakit para sa akin na iwan ka. Ito lang naman ang gusto kong marinig galing sayo, gusto ko lang naman malaman ang mga dahilan mo. Pero bakit kailangan mo akong iwan?"

"I just want you to be happy. Ayoko na makita mo akong nahihirapan dahil sa kondisyon ko. Hiniwalayan na kita bago pa ako mawala sa mundong ito, doon din naman kasi ako papunta. Ang dami mo pang pangarap sa buhay at gusto ko na maabot mo iyon lahat kahit na wala na ako. If I hadn't left you, you wouldn't have met Adonis. If I hadn't left you, you would never have experienced this kind of happiness that Adonis brought you."

THE SCARS SHE LEFT BEHINDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang