CHAPTER 17

93 14 0
                                    

●●●●●

Panay ang pangungulit ko kay Adonis habang nagmamaneho siya. Nalaman ko na sa park pala ang punta namin pagdating namin doon. Naguguluhan parin ako kung bakit niya ako dinala dito. Bitbit ni Adi sa isang kamay ang basket habang nakasiklop ang isng kamay niya sa akin. Naglalakad kami sa damuhan at binaba ang hawak niyang basket.

Binuksan niya ang basket at parang may kinuha siya doon, isang kumot. Binuklad niya ang nakatuping kumot at maayos na inilapag sa damuhan. Hinawakan niya ang kamay ko at hinubad ko ang sapatos ko. Sabay kaming umupo at kinuha niya ang mga pagkain sa loob ng basket at inilapag ito sa kumot.

The park is not too crowded like the other parks na napuntahan ko at hindi pa ako nakapunta dito. May mga tao na nagba-bike, may mga pamilya din doon na kumain din sa damuhan. May malaking fountain sa gitna na gawa muwebles at sari-saring mga bulaklak.

"Bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko sabay subo ng kanin.

"My mom and I used to come here every summer when she was still alive." Sagot niya.

"So dinala mo ako dito to show this beautiful place and it's because you miss your mom, right?"

"Not only that." He chuckled

"What do you mean? Why exactly?" Tanong ko at sinubuan siya

"Bago kasi namatay si mommy, ang sabi niya sa akin ay dito ko daw dadalhin ang babaeng mahal ko." Sabi niya sabay lingon sa akin

"And who is that lucky girl?" Tanong ko

"Ikaw, you're the woman I love, Vy. Believe me when I said that." Sabi niya at hinaplos ang aking pisngi

"You love me?"

"Isn't that obvious? When I first laid my eyes on you, I fell in love. Ganoon ka bilis." ngiti niya

I bit my inner cheek to stop myself from smiling but I guess it won't work. Adonis just confessed to me that he loves me and I can already feel the butterflies inside me. Naguguluhan pa din ako but I don't know the reason behind it.

"I'm still confuse" sabi ko binaba ang tingin ko sa tupperware na hawak ko

Nagulat ako ng inangat niya ang mukha ko gamit ang daliri niya at isiniil ako sa halik. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na suklian ang matatamis niyang halik at lumayo na siya ng kaunti. Nagtama ang aming mga tingin at naramdaman ko na naman ang pagkalasing ko sa tuwing mag tama ang aming mga mata. His eyes are telling the truth, he's not lying. His words are filled with genuine.

"How about that? Are you still confuse?" Tanong niya

Umiling ako at ngumiti. Ipinilig ko ang ulo ko sa balikat niya habang nilalaro niya ang daliri ko. Honestly, I've never been in a picnic before, except for my family of course. Noong kami pa ni Trevor, he usually take me to a dinner date sa isang mamahaling restaurant, pero noon 'yon.

"Vivian," Tawag niya

"Hmmm?" nag-angat ako ng tingin sa kanya

"I made it for you. Sana naman magustohan mo." Sabi niya sabay bigay sa akin ng isang tupperware na naglalaman ng lasagna, agad naman lumiwanag ang mukha ko at natatakam na ako sa amoy nito.

Kumuha ako ng tinidor sa basket at tinikman ang ginawa niyang lasagna kanina. Napapikit ako sa sarap at sumubo ulit. I heard him let out a chuckle at kumuha din ng tinidor sa basket sabay subo sa sarili niya.

"Masarap ba?" Tanong niya

"Super!" Tumango ako at ngumiti

"Ubusin mo yan, alam ko na kulang pa iyan sa iyo." Tawa niya

THE SCARS SHE LEFT BEHINDWhere stories live. Discover now