Kabanata 4

6.9K 273 12
                                    

Kabanata 4

All at Once

"Oh good, you're here!" Tumili si Trinity at hinila ako papasok sa bahay nina Raya.

I almost stumbled on a thick rug if I didn't just see it. Si Trinity na hila-hila ako ay diretso lang ang lakad.

"Malapit na kayong matapos?" namimilog ang aking mga matang tanong nang ilibot ang tingin sa receiving room.

There were red balloons on the floor. Sa gitna ay ang babasaging mesa at may cake ng nandoon. There was also a small banner on the cake that says 'Happy Bachelorette Party'.

"Hindi pa nga. Bakit kasi ngayon ka lang?" Binitawan niya ang aking kamay bago siya kumuha ng balloon na lumipad patungo sa amin.

"Baka nakakalimutan mong may business ako." I told her, "At saka may nagtagal na customer kanina kaya ngayon lang ako."

"Okay, Tulungan mo na lang ako sa mga telang ito." Inilahad niya sa akin ang manipis na puting tela. May kahabaan nga iyon. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung saan niya pa ito isasabit.

"We're going to put it there," itinuro niya ang chandelier, "Ipa-part natin siya para hindi masagi iyong cake sa gitna."

"Is this the last thing that we'll do?"

"Yup! Parating na kasi si Raya at sinundo ni Jeni."

Napatanga ako. Narinig ko ang isang yabag na patungo sa amin. It was Ruth, carrying a plate of cookies. Ngumiti siya nang makita ako.

"Thank you, Phae! Ang laki ng naitulong mo!" she sarcastically said. Tumawa si Trinity habang nanulis naman ang aking labi. Lumapit sa amin si Ruth at pinalsakan ng cooki ang aking bibig na nakanguso pa rin.

Hindi niya inalis ang kamay hangga't hindi ko ibinubuka ang bibig.

I opened my mouth and accepted the cookie. Inilapag niya ang plato sa one-seater couch at tinulungan kami sa tela.

Ako ang pinagkabit nila ng tela sa chandelier. Hindi ko talaga alam kung tama bang dito namin inilagay. Paano kung may makahila nun mamaya? Kapag lasing pa naman si Jeni ang wild, si Trinity rin. Baka gawin nilang pole ito mamaya at mags-silk dancing sila.

"There! It's done!" Pumalakpak si Ruth at tinitigan ang aming pag-aayos. Puro pula at puti ang nakikita ko ngayon sa receiving room nina Raya. Kahit iyong couch kulay pula at ang mga square pillow naman ay puti.

We cut some red and white papers. Ang sabi ni Ruth ay isasaboy namin kay Raya kapag umuwi na sila. Iyon lang ang ginawa namin hanggang sa narinig namin ang paghinto ng kotse. Sumilip ako at nakitang papasok na ng gate sina Jeni at Raya. They were carrying shopping bags.

I sighed and then smiled. Talagang ginawa ni Jeni lahat para hindi sila makauwi agad ni Raya. The latter actually doesn't know that we've prepared a bachelorette party for her. Ang alam niya kasi ay hindi kami pumayag doon kasi busy kaming lahat.

Nang makapasok sila ay hinagis ni Ruth ang magkahalong puti at pulang papel na pinaggunting-gunting namin. Tumili si Raya nang tumama na iyon sa kaniya. Si Jeni naman ay tawa ng tawa habang kinukuhanan naman ng video ni Trinity ang reaksyon ni Raya.

Kumuha din ako ng iilang papel at isinaboy kay Jeni. Humagalpak ng tawa si Trinity nang may pumasok na papel sa bunganga ni Jeni.

"Iyan, nganga pa." si Trinity na natatawa pa rin. Jeni glared at me. Nagtaas-baba naman ako ng dalawang kilay.

"Pasalamat ka Phaedra mahal kita!" aniya sa akin.

Nagtawanan lang kami. Si Raya naman ay nangingisi habang inililibot ang tingin sa aming inihanda.

All at Once (Absinthe Series 6)Where stories live. Discover now