Kabanata 34

6.7K 232 43
                                    

Kabanata 34

All at Once

Marami na ang nangyari sa mga lumipas na buwan. It's not a surprise to see changes from my friends. Nakakapanibago pero ganoon naman siguro ang epekto ng panahon, ano?

"Good morning, welcome to Phaedra's!" I greeted one customer that was falling in line. Malawak ang aking ngiti. Siguro ay dahil sa panibagong araw na naman. I've been waking up from a good sleep these past few months. I don't usually experience my compulsions as I started visiting a therapist again.

I took my mother's advice. Panahon na rin naman upang makinig ako sa kaniya. Hindi naman nagkamali si Mommy at naging maganda nga ang takbo ng mga araw ko. I visit my therapist once a week. Sa araw ding iyon, pahinga ko mula sa cafe kaya nags-self meditation din ako.

Other than visiting the therapist, the other good thing that happened, is that, I get along well with Dilly now. Simula siguro noong pumunta siya sa aking condo ay nagkamabutihan na kami. She was indeed sincere on her apologies at ni minsan naman ay hindi talaga ako nagtanim ng galit kay Dilly. Maybe a little annoyed by her impulsive behavior but I guess it's understandable. Lumaki siyang nasa kaniya ang atensyon ng ama. She wasn't envious of her brother either. Talagang nakakita lang siya ng kompetensya sa akin kahit malinaw naman na mas matimbang ang pagmamahal ni Tito Arthur sa kaniya.

On the bright side, we're okay now. Hindi na kailangan pang balikan ang kahapong iyon. She's a changed lady now and she follows after me. Ang sabi niya ay mags-shift na lang siya sa culinary dahil mas interesado siya doon. Fashion designing bores her anymore. Nagsimulang magbago ang isip niya nang bumisita sila sa New York ng kapatid. She was inspired by the various chefs there and wanted to take on the challenge. Kaya nga, paminsan-minsan, binibisita niya ako sa cafe upang magtanong ng kailangang paghandaan.

I don't know if it would be too hard for her. Kailangan niyang maghabol sa subjects at marami pa siyang dapat tutunan. But I guess, if Dilly wants to do it, she'll find a way to succeed.

The cafe was busy once again. Paano eh marami na namang estudyante dahil sa nalalapit na exams. The student's lounge were jam-packed once again. May iilan ring businessman ang nagkakape at iilang napadaan lang din.

I smiled inwardly. For now, wala na akong pinagkakaabalahan pa maliban sa cafe at therapy. Mas lalo pa yatang madadagdagan ang aking pinagkakaabalahan kapag unti-unti ng ipinatayo ang ikalawang branch ng Phaedra's. Malaki na ang kinikita ng cafe kaya naman pwede na siguro akong magpatayo ng isa pang branch. Maliit lang kumpara sa main. Itatayo lang din naman sa Metro. I've been creating original recipes to represent my brand and surprisingly, pumatok naman ito sa mga mamimili.

Nang pumatak ang alas-dose ay pumalit na sa akin si Ella sa counter. I went to my office and got my bag. Kailangan ko pa kasing umuwi sa condo para maligo at magpalit. Because today, I'll be attending Baby Urion's Christening. Five months na siya ngayon at mas pinili ni Raya na ngayong buwan na lang ng Hulyo para kasabay na lang sa kaniyang birthday.

In short, it's a double celebration. Hapon ang napili nilang oras para sa binyag ng anak. Merienda will be served after. Tapos sa gabi naman ay dinner para sa kaarawan ni Raya.

I took a bath and changed into a green floral midi dress that ended a few centimeters below my knees. Pwede siyang maging off shoulder at pwede rin namang as is lang na short sleeved dress. My hair was tied in a half ponytail. Hanggang ngayon naman ay hindi ko pinapahaba ang buhok. It's length just ended above my shoulders. Nagpabango ako bago ako umalis sa aking kwarto. I also brought my gift when I went out of my unit.

Dumiretso agad ako sa simbahan kung saan bibinyagan si baby Urion. Magsisimula pa lang ang seremonya nang dumating ako. I immediately went beside Ruth as the ceremony started.

All at Once (Absinthe Series 6)Where stories live. Discover now