Kabanata 15

5.9K 223 10
                                    

Kabanata 15

All at Once

I laugh at my friends as they started bickering again. Nangunguna na naman si Trinity sa pakikipag-away kay Jeni. The latter tried a strong rebuke too. Hindi ko alam kung sino ba ang mananalo dito.

"Parang mga bata," reklamo ni Ruth. Sumandal naman ako sa kaniyang balikat at nagpipigil na ng tawa. Natigil ang dalawa sa pagbabangayan.

"She started it." Trinity shrugged. Kumuha siya ng nachos na nasa mesa at inisang lamon iyon.

"Ang ganda ko naman para magsimula ng away!" si Jeni at uminom ng juice.

"Mapapaanak ng wala sa oras si Raya sa inyo!" Sinapo ni Ruth ang noo. Raya just laughed silently. Ang isang kamay ay nakapatong sa lumalaki ng tiyan.

"The house is so lively with you guys around," ani Raya.

"No choice ka muna Raya kasi wala pa kaming balak magka-anak ngayon. Spoil muna namin ang anak mo at kami muna ang magiging kalaro," si Trinity.

"Baby Urion would grow up like a drunk man kapag ikaw ang naging kalaro niya," singit ni Jeni.

"Lalaklak muna kami ng gatas. He's too young to know about alcohols."

"Sa tingin ko, mas aasahan ko ang Absinthe kaysa inyo." I chuckled at Raya's remark.

"Absinthe will be busy. Kami hindi," sabat pa ulit ni Trinity.

"Weh? Huwag nga ako, Trinity. Minsan ka lang nga lumabas ng bar kasi busy ka sa mga alak mo."

Nasapo ko ang aking noo dahil nagsimula na naman sila sa kanilang bangayan. There is no boring talk with Trinity and Jeni around. Buti nga at napagpasyahan na ni Jeni na lumipat pabalik sa Maynila. She informed us last night about her transfer. Ang business sa Baguio ay babalik-balikan niya na lang at may iniatas na siya doong tauhan.

And she finally answered Sylver after his three months of courtship. Ang bilis lang din namang mapasagot ng kaibigan namin. Nag-uunahan yata si Sylver at si Crithos sa unang maikakasal sa kanila. I heard that Crithos got back together with his ex. This information was leaked by no other than Jeni because she had nothing to talk about. Napagdiskitahan niyang sabihin iyon sa amin.

I don't know Crithos that much but he seems like a cool guy to me. He was actually the face of Absinthe ever since college. Napaka-baby face kasi nito at napagkakamalang mas bata sa kaniyang edad.

"How about you, Phae? I heard nagkakamabutihan kayo ni Rogan?" si Ruth na bumaling sa akin.

Patay-malisya akong lumingon sa kanila. "We're friends. He sometimes visit the cafe to buy coffee."

Jeni gave me a teasing look. Si Trinity ay nakangisi habang nakahalukipkip na. Si Raya naman ay inosenteng nakatitig sa akin.

I gave my friends a questioning look. "What? We're friends. He seems like a nice guy, too."

"Kung ako sa'yo susunggaban ko na," si Trinity. "He's gwapo and successful. I think may chemistry kayong dalawa. You both danced together during Raya's wedding. Bagay kayong dalawa."

"Rogan and I are just friends. Huwag niyo ngang bigyan ng malisya iyon."

"Pero kapag nagkataong nagkagusto kayo sa isa't-isa, bibigyan mo ba ng chance?" si Jeni na ang sumingit na nagtanong.

Napaisip ako doon. It's impossible for Rogan to like me. Wala namang espesyal sa akin. I am just an ordinary woman who owns a cafe. And Rogan offered me friendship. I should at least respect that. Bawal kong bigyang ng malisya ang pagkakaibigang iyon at mas lalong ayaw kong mawalan ng kaibigan na katulad ni Rogan.

All at Once (Absinthe Series 6)Where stories live. Discover now