Kabanata 17

5.5K 248 13
                                    

Kabanata 17

All at Once

Naramdaman ko ang pagtigil ni Rogan mula sa aking paghila sa kaniya. Nangunot ang aking noo at tumigil rin. I looked back at him.

"Oh," binitawan ko ang kaniyang kamay nang may mapagtanto. "You're a guest at the party?"

Tumango siya. "Yes, I saw you inside. I just answered a call outside the hall."

Bumagsak ang aking balikat. "Babalik ka pa sa loob?"

"I won't if you don't want me to."

Nanulis ang aking labi at tinitigan siya. Sayang ang kaniyang suot kung sasama siya sa akin. He looked dashing in his dark suit and tie.

Namulsa siya at nagtaas ng kilay sa akin. "I saw you with Arthur Belmonte's wife."

"That's my mom," I sighed.

Kumunot pa ang noo ni Rogan. "Mom? You mean you're a Belmonte? I thought—

"My mom married twice. She's carrying her new husband's name while I carry my dad's."

Tumango siya. The confusion in his face is still evident. Napaayos ako ng tayo.

"I didn't know you're invited."

"Same here." Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso. We went further at the parking lot.

"E-eh teka, ayaw mo na bang bumalik sa loob?" pahabol kong tanong.

"The party's boring. I'd rather be with you," aniya at diretso ang lakad habang hawak ako. Kinagat ko ang aking labi upang mapigilan ang ngiti. Sinubukan kong sumabay sa bilis ng paglalakad ni Rogan. I was on my heels so I struggled to catch his big strides. Nakahabol naman ako pero mukhang mas napagod lang ang aking mga paa.

"Where's your car?" he asked me.

Tinanaw ko naman ang aking sasakyan at agad na nakita iyon. I pointed at its direction. Doon ang naging tungo ni Rogan habang hawak na ang aking palapulsuhan.

"Ikaw? Hindi mo ba dala ang kotse mo?" tanong ko nang huminto na kami sa tapat ng aking kotse.

"I'll just tell the driver to drive back home. Sasamahan muna kita. Where do you want to go?"

"Seriously?" I chuckled. Binaba ko ang aking tingin sa clutch na dala at hinanap doon ang aking susi.

"Hindi mo naman ako kailangang samahan."

"You already pulled me out of the area."

Inilahad ko sa kaniya ang susi. Kinuha niya naman iyon mula sa akin. I went to the passenger's seat as he clicked the key fob. Binuksan ko ang pinto at ganoon din siya. I carefully went inside my car.

"Where do you want to go?" aniya nang makapasok na.

"I'm craving for coffee. Punta tayo sa cafe," he nodded at my suggestion. Sumandal ako sa kotse at nagsuot ng seat belts. Inilagay ko naman ang aking clutch sa aking kandungan.

The cafe was a fifteen minute ride from the Belmonte Corp. Inihinto ni Rogan ang aking kotse sa tapat ng cafe. I got my spare key that was dangling beside a hanging bear key chain. Lumabas ako ng kotse at hinayaan si Rogan na patayin  ang sasakyan.

He hurried beside me as I pulled up the steel shutters. Binuksan ko ang glass door. May ilaw naman sa labas kaya madali kong nahanap ang switch na malapit lang sa counter.

"Long black for you?" I asked as I got inside the take out counter. Inihanda ko ang pagprocess ng espresso at nag-init ng tubig sa heater.

"Yeah," Rogan replied languidly.

All at Once (Absinthe Series 6)Where stories live. Discover now