Kabanata 8

6.3K 267 30
                                    

Kabanata 8

All at Once

"Ma'am, nandiyan po ang mga kaibigan niyo sa baba." katok sa akin ni Ella sa office.

"Okay. Tell them to wait." I told before getting my phone on the table. Inayos ko muna ang mga gamit sa ibaba bago ko ipinasok ang office chair sa ilalim ng mesa.

I went downstairs and found my friends gathered at a round table. Wala si Raya dahil honeymoon. Si Jeni naman ay umuwi ulit ng Baguio at ang paalam ay dadalhin din si Sylver dahil nagleave sa trabaho. Kaya ang naiwan ay si Trinity at Ruth.

"What brings you two here?" I asked when I approached them. I tucked the hair behind my ear before sitting on the vacant chair.

"Chill lang." si Trinity.

Tumaas ang aking kilay. "Chill?"

"My bar's close until 5pm. Six pa naman magbubukas kaya magliliwaliw muna ako dito."

Bumaling ako kay Ruth na alam kong minsan lang iwan ang sariling restaurant.

"I just want to relax. Anong ginagawa mo sa taas?"

"I was reviewing something. Inaayos ko din ang website ng cafe."

"Marami pang reviews?"

"Yeah but I was kind of worried sa ibang reviews na puro insulto. Sinabing ginaya ko daw ang recipe ng ibang shops." Humalukipkip ako at hindi napigilan ang pagsimangot.

"Ano ka ba?" Ruth touched my arm, "Ganyan lang ang mga iyan kasi walang magawa. They try to bring other people down para umangat ang kanila. Don't believe too much on reviews, mas paniwalaan mo iyong nakikita mong mukha ng mga customer kapag kumakain dito."

"At isa pa, look around your cafe. It's booming so I don't think the reviews affect what the customers think about your cafe." Trinity said. I looked around. Iyong mga sinabi nila, somehow, nawala ang pagkabahala ko.

Some reviews were actually good pero mas nakakaagaw pansin iyong mga masasamang reviews na ang hahaba pa. I tried to talk it out with them but they refused to reply. Hinayaan ko ng ilang araw pero bumabalik pa rin.

"Kaya don't worry. Mas galingan mo pa at inisin sila. Sa sobrang inis mapapapunta sila dito at mapapatikim." I chuckled at what Ruth said. Si Trinity ay nakitawa din.

"Tumawag na ba si Raya?" kapagkuwan ay tanong ko. Actually one week lang naman ang honeymoon nila dahil buntis si Raya. Ayaw irisk ni Helion ang kalagayan ng kaibigan ko kaya maikli lang. They're in Japan right now.

"Kagabi, tumawag sa akin. Her foot ached while walking around. Ang worried na si Helion, muntik ng magpakuha ng wheelchair."

Nagtawanan kami sa sinabi ni Trinity.  I could really imagine the horror on Raya's face. Iyong tipo kasi ni Helion, hindi iyon basta-bastang nagpa-panic. He was too caring for Raya that it was sometimes funny. Iyong seryosong mukha ni Helion minsan ay hindi ko na marespeto dahil sa mga naririnig kong katatawanan sa mga kaibigan ko.

"The big guy with a soft heart, huh? Ang swerte nga naman ni Raya," Trinity dreamily sighed, "Parang wala akong makikilalang ganoon sa bar."

"Malamang." si Ruth.

"Si Helion din naman nagba-bar pero bakit siya ganoon? I am sure mayroon sa bar ko na ganoon, hindi ko pa lang nahahanap."

"At kaya di ka nilapitan kasi feeling nila hindi sila ang kailangan mo." sumingit ako. Trinity pouted her red coated lips before rolling her eyes. Itinukod niya ang siko sa ibabaw ng mesa at ipinatong sa palad ang baba.

All at Once (Absinthe Series 6)Where stories live. Discover now