Special Chapter

9.1K 315 30
                                    

Special Chapter: All at Once

Waking up together with the one you love is the best feeling every morning. Iyong tipong, mas gugustuhin mo na lang na huwag bumangon at magsumiksik na lang sa yakap.

My lips automatically outstretched into a smile when I saw Rogan's parted lips as he breathe. Pikit na pikit ang mga mata niya at matiwasay ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib. I hugged him a little bit tighter and kissed his naked chest. Bahagyang akong bumangon at tinunghay siya. I kissed his parted lips before I got out of bed.

Agad kong itinali ang humahaba ko ng buhok. I went to the bathroom to wash my face and brushed my teeth. Sumilip ako ulit para makita si Rogan mula sa bathroom. He changed position. Hindi man lang natinag na wala na ako doon sa tabi niya.

I just smiled. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. I prepared the ingredients for our breakfast.

Simula ng bumalik kami mula sa California ay hindi na maihiwalay si Rogan sa akin. Even with a luxurious penthouse, he chose to be in a crappy unit with me. Ang sabi niya ay hindi naman hihimbing ang tulog niya kung wala ako sa tabi niya. He always finds himself driving towards my unit and call my number so I could open the door for him.

Napanguso ako. Dahan-dahan kong binaligtad ang pancake na niluluto.

"Good morning," a baritone voice greeted me from behind. Hindi pa nagtatapos iyon dahil naramdaman ko na agad ang pagpulupot ng braso niya sa aking baywang.

I held his hand before I removed the pancake from the pan. Buti na lang at huling piraso na iyon. I turned off the induction before I faced Rogan.

"Good morning!" I smiled at him. Tutok na tutok ang kaniyang mga mata sa akin. His brow arched a bit before he smiled at me.

"You're up early. It's Saturday," aniya at mas hinila pa ako sa kaniya.

"I just want to cook you breakfast. I haven't cooked for you these past few days," I reasoned out.

It was true because he went on a business trip for three days. Wala akong naging kasama at wala rin akong napapaglutuan. I always wake up early to cook for him. Alam ko kasi ang pagod na dinaranas niya araw-araw sa trabaho. Now that he had another company to handle, he had become so busy. Minsan nakikita kong napapahilot siya sa noo at malalim ang iniisip.

"You don't have to do that, cariño." He kissed the side of my head. "I can cook for us too."

"Weh?" I chuckled. "Ako na lang ang magluluto sa ating dalawa. I'm skilled, okay?"

Naningkit ang mga mata niya sa akin. "What does that suppose to mean?"

I shrugged. Inalis ko ang nakapulupot niyang braso sa akin. I paid attention to the meals that I cooked. Sinabihan ko siyang maupo na lang at kakain na kami.

"Your hair's longer now. Do you want to chop them off?" he asked while we eat. Kita ko ang pagtingin niya sa buhok kong nakapony tail.

Sinipat ko naman iyon. "Ano bang gusto mo? Long or short?"

"Both. Every hairstyle suits you, cariño."

Ngumiti ako. "I want to cut them off today. Magpapasalon sana ako."

"I'll come with you."

"Really? Wala ka bang gagawin ngayong araw? How about paperworks?"

"I reserved this day for the both of us. It's unfair that you spent the last three days alone. I want to spoil you today."

My heart went full all of a sudden. I've been on a relationship where I sacrificed the most. Nang makawala, doon ko lang napagtanto na mas kailangan ko munang mahalin ang sarili ko at hindi mo na magbibigay ng lahat.

All at Once (Absinthe Series 6)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora